(A promise of an endless care) MADILIM na nang umuwi siya ng villa. Hindi siya pumayag na magpalipas ng gabi sa unit ni Lorcan kahit ano pang pilit pa ang ginawa nito. Tiyak na magtataka ang Papa niya na malamang ay tulog na sa mga oras na iyon. Sigurado ring naghihintay sa kanya sina Sab at Miggy pati na rin ang kanyang anak. “Susunduin kita bukas,” pahabol na sabi sa kanya ng lalaki nang makababa siya. Naiwan na naman ang sasakyan niya sa opisina kaya mapagbibigyan niya ito. “Okay,” tugon niya. “Pwede bang paisa pa?” “Anong paisa ang sinasabi mo riyan?” Pinigilan niyang matawa. Para kasing batang naagawan ng lollipop ang mukha ni Lorcan. “Kiss. Baka hindi ako makatulog mamaya, e.” “Alam mong higit pa sa kiss ang ibinigay ko sa iyo kanina.” “Smack lang, please.” “Hindi lang sma

