FIRST PART
KEN
Pinulot ko ang huling piraso ng bote ng beer bago tapunan ng pansin ang buong apartment. Pakiramdam ko ngayon ko lang nalinis lahat ng kalat sa kwartong to.
Naupo ako sa single sofa sa sala at sinuyod ang kabuuan ng lugar. Ang kaninang nagkalat na bote ng alak, at upos ng sigarilyo ay wala na. Naglakad ako papunta sa salamin at sinipat ang kabuuan ko. Maayos ang pagkakagupit ng buhok ko, yung piercing ko wala na. I made my red hair to black. Napangiti ako sa sarili ng maalala siya.
" Thank you for changing me. " pagpapasalamat ko sa kanya.
Tinunton ko ang pinto papunta sa kusina upang magtimpla ng bagong bili kong kape. Napangiti nalang ako ng maalalang ngayon lang ata ako uminom ulit ng kape matapos ang sandamakmak na almusal ko ng gin o kaya'y beer.
Nasa ganun akong sitwasyon ng mag ring ang cellphone ko. Agad na tiningnan ko ang caller. At napangiti ng makitang siya iyon.
"Anghel Ko." mahinang basa ko sa caller ID bago sagutin iyon ng may ngiti sa mga labi.
Pero tila nabuhusan ako ng mainit na tubig ng mahihimigan ko ang garalgal na boses ng kapatid niya sa kabilang linya.
"Hello." iyon lang ang tanging salitang nausal ko.
"Kuya Ken..." garalgal nitong tawag sa pangalan ko. "A-ate, n-n-need-d-ds you-u-u" halos di ko na maintindihan ang sinabi niya.
Mabilis pa sa kamay ng orasan akong lumabas mula sa apartment at sumakay sa motorsiklo kung nakapark sa labas.
Pinaharurot ko ang sasakyan sa Saint Camillus kung saan siya kasalukuyang ginagamot. Pagkarating ay dumiretso na ko sa kwarto niya. Ako agad ang tiningnan ng lahat ng buksan ko ang pinto.
Hindi ko makita ang masamang tingin ng mga magulang niya sa akin na tutol na tutol sa pagmamahalan namin. They look at me as if they'll saying na ilagtas ko siya.
Dahan-dahan kong nilakad ang distansya naming dalawa ng tingnan niya ako ng may luha sa mga mata. Hindi ako kailanman naniniwala sa Diyos, pero ngayon naglalakad akong nagdarasal na sana mali ang nasa isip ko, na sana huwag Niyang bawiin ang nag-iisang taong naniwala na kaya ko.
"Babe." mahina niyang usal ng makarating ako sa harap niya.
Hinang-hina niyang kinuha ang kamay ko at marahang idampi iyon sa pisngi niya. Pinipigilan ko ang sariling huwag maluha. Ayokong masaktan pa siya.
"I-im s-sorry." pakiramdam ko mauubos ang hininga ko sa mga salitang binitawan niya.
Naupo ako sa upuan malapit sa kama niya. Pilit na pinupunasan ang luhang umaagos sa mga mata niya.
"I'm sorry kung hindi na kita masasamahan." pumikit ako ng sabihin niya yun sabay iling.
Hindi ko gusto kong saan papunta ang usapang ito.
"No. Wag mong sabihin yan." hindi ko na napigilan ang luha ko. "Please stay."
"I wanted to." she sobbed. "Hindi pa ako handang iwan ka o kahit sino man sa inyo." she looked at the people inside her hospital room. "Pero hanggang dito nalang ang kaya ko." ngumiti siya.
Hindi ko alam pero tila di tumalab sakin ang ngiti niyang iyon. Pakiramdam ko hindi nalusaw ng masaya niyang ngiti ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
"Hindi ko pa kayang mag-isa, Gela." bumuhos ang luha ko
Pakiramdam ko, ngayon lang ako umiyak sa buong buhay ko. Parang lahat ng sakit na dala ko ay naibuhos ko.
"Shhh." sinubukan niya akong patahanin ng punasan niya ang mga luha ko. "Naniniwala akong kaya mo. Hayaan mong ipagpatuloy ang pangarap ko. Naniniwala ako sayo babe." she smiled again. "Mahal na mahal kita.".
Pagkatapos niyang bitawan ang mga katagang yun ay ang biglaang pagbagsak ng kamay niya. Tiningnan ko lang siya. Umurong lahat ng luha ko. At sa sandaling yun, alam kong wala na siya. Daig ko pa ang nalagutan ng hininga. Hindi ko kaya, at kailanman di ko kakayanin.
Iyon na ang huling beses na nakita ko siya. Di na ako nagpakita pa sa burol o libing niya. Hindi ko kayang makitang binabaon na siya samantalang sa isip at puso ko ay nandyan pa rin siya— buhay na buhay at nag-iisa.