BREAK 39

2082 Words

Nagising si Gwyn sa sikat ng araw na tumatama sa kaniyang pisngi mula sa nakabukas na bintana. Naririnig na rin niya ang malalakas na tilaok ng mga manok sa labas. Saka pa lang nag-sink in sa utak niya na nasa probinsya siya. Sa bahay ng lola ni Trent. Hanga siya sa simpleng pamumuhay ng mga ito roon kahit na mga bilyonaryo na ang mga anak at maging ang mga apo. Hindi naman mukhang pangmahirap ang bahay pero hindi maitatanggi ang kasimplehan ng pamumuhay roon. “Good morning, Beautiful!” bati sa kaniya ni Lola Marcella nang makita siya nitong bumababa sa hagdang kahoy. Gawa sa matibay na Narra ang hagdang iyon at kahit simple lang ang bahay ay hindi naman maipagkakailang mamahalin ang mga materyales na ginamit doon. Napangiti siya sa masayang awra ng matanda na sumalubong sa kaniya. “G

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD