Pagdating nila sa rancho, sinalubong sila roon ng matandang may-ari. Inilibot niya ang tingin sa buong rancho. Napakalawak ng lugar na iyon. May malaking oval sa gitna na binibigyang kulay ng berdeng berdeng carabao grass at nababakuran ng fence na gawa sa kahoy. “Mabuti naman at napasyal ka ulit dito, Trent. Matagal ka nang hinihintay ng Ninang Lina mo,” anang matanda sa kaniyang asawa. “Na-miss ko po kayo, Ninong. Please meet my wife, Gwyn. Matinik na racer din po ‘yan, ‘Nong!” proud na pakilala sa kaniya ni Trent. Pasimple naman niya itong kinurot sa tagiliran. Ngumiti naman siya rito at naglahad ng kamay. “Mahusay kang pumili, ‘nak. Magandang lahi ito,” nakangiti nitong sabi nang tanggapin ang palad niya. “Ako pa ho ba?” Kumindat si Trent sa matanda. Pagkatapos siya nitong ipa

