Malungkot na tumanaw sa labas ng bintana si Gwyn habang bumabyahe sila pabalik sa Manila. Naudlot ang pagbabakasyon nila dahil sa balitang nakarating sa kaniya. Mr. Claravall, her uncle was admitted in the hospital due to heart attack. Ang sabi ng sekretarya nito, siya raw ang unang hinanap nito nang magkamalay. Siguro’y iyon na rin ang tamang panahon para kausapin niya ang kaniyang ina tungkol sa naging pag-uusap nila. “I never thought that you two were related to each other,” ani Trent habang nagmamaneho. Kagabi niya lang kasi sinabi rito ang tungkol sa naging pag-uusap nila ni Mr. Claravall. “Hindi ko rin naman ‘yon naisip noon kung hindi pa sinabi sa ‘kin. Mom’s last name is Grindulo. Ngayon ko lang na-realize na apelyido ni Lola ang ginamit niya and not her dad’s.” Bumuntonghinin

