Hindi mapakali si Gwyn sa loob ng silid habang abala naman si Trent sa harap ng laptop nito. Gusto sana niyang itanong kung kailan ito aalis pero nawawalan siya ng lakas ng loob na gawin iyon. Ilang beses na rin niyang tinatawagan si Danrick pero hindi nito sinasagot ang mga tawag niya. Humugot siya ng malalim na paghinga at lakas-loob na lumabas ng silid para kausapin si Trent. Pero pagbukas niya ng pinto, sakto namang kasasara na nito ng laptop. Nag-angat ito ng tingin nang maramdaman siyang nakatayo roon. “May kailangan ka?” tanong nito sa kaniya. Kaagad siyang napayuko nang maramdaman na naman ang kakaiba nitong tingin. Para siyang matutunaw na hindi maintindihan. “Uhh, w-wala,” pagsisinungaling niya. Gusto na niyang sapakin ang sarili sa ginawang pagsisinungaling. “I’m lea

