Naalimpungatan si Gwyn nang maramdaman niyang may nagmamasid sa kaniya. Dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata at tumambad sa kaniya ang seryosong mukha ni Lola Marcela. Dali-dali siyang bumangon at inabot ang kamay nito para magmano. “Good morning po, Lola Marcela.” She tried not to stutter. Her look was intimidating. Parang iba iyon sa Lola Marcela na nakaharap niya noon. “Nakahanda na ang almusal,” walang emosyon nitong sabi. Napalunok siya at namula sa hiya. Oo nga pala’t hindi na siya welcome sa bahay na iyon mula nang iwan niya si Trent. “S-Salamat po. Pasensya na po kayo, Lola. Na-late po ako ng... ng gising.” Yumuko siya at buong galang na nagpaalam dito para lumabas ng silid. Hinanap ng mga mata niya si Trent pero ni anino nito’y hindi niya nakita roon. “Na

