Naalimpungatan si Gwyn nang nakarinig siya ng ingay mula sa sala. Pupungas-pungas siyang bumangon at hinagilap ang tsinelas bago nagtungo sa banyo para maghilamos ag magsepilyo. Nagpalit na rin siya ng damit bago lumabas ng silid. Natigilan siya nang makita ang batang tumatawa habang nagpapalakad-lakad sa sala. Sa couch naman ay nakaupo si Lola Marcela na giliw na giliw sa bata. “Trent and Charmaine’s son.” “D-Daddy! Daddy!” Bahagyang kumirot ang puso niya nang makita si Trent na lumapit sa bata at gigil itong hinalikan sa pisngi. “Bakit mo tinatawag si Daddy, ha? I’m cooking breakfast,” natatawa nitong sabi habang pinauulanan ng halik ang mukha ng bata. Mapait siyang ngumiti. Trent could have been a good father if she was able to give him a child when they got married. If it’s

