May meeting si Gwyn na naka-schedule ng alas-diyes ng umaga pero umalis siya sa mansion sa mas maaga pang oras dahil sa gagawin niya. Matagal-tagal na rin mula nang huli niyang madalaw sa kulungan ang kaniyang ama kaya pagkakataon na niya iyon para makabawi sa daddy niya. She promised to visit again and bring pillows for his inmates as he requested the last time she went there. Nagdala siya ng mga prutas at ilang gamit para sa kaniyang ama. Hindi naman sila pumapalya sa pagdadala ng kung anu-ano roon para sa daddy niya at sa ibang inmates nito para pakitunguhan ito nang maayos sa loob at hindi matulad sa iba na madalas nabubugbog. Karamihan kasi sa mga nakukulong doon, kapag walang pera o hindi marunong makisama ay madalas pinag-iinitan ng ibang mga preso. “Dad...” Nangilid kaagad ang

