She couldn’t sleep that night. Mula nang mangyari ang pagbabanta sa kaniya, naging balisa na siya. Matapos ang isinagawang imbestigasyon, mas lalo lang niyang napatunayan na para sa kaniya ang mensaheng iyon. At kahit ayaw niyang sabihin kay Trent ang lahat ng alam niya, alam niyang gagawa at gagawa pa rin ito ng paraan para protektahan siya at kasama roon ang alamin ang totoo. Ipina-trace niya ang mensaheng mula sa unknown number at nagpakilalang “M” na sa palagay niya’y initial ni Mariah. Dumako ang tingin niya sa bintana at pagkuwa’y sa glass door patungong veranda nang may marinig na kaluskos. Malakas ang kabog ng dibdib niyang dahan-dahang bumangon sa kama at naglakad papalapit sa pinanggagalingan ng ingay. Habang papalapit siya roon ay papalakas din nang papalakas ang kaluskos

