Hindi pa nakakahuma si Gwyn sa tangkang pag-atake ng isang estranghero kanina nang makatanggap siya muli ng panibagong mensahe. Nanlaki ang mga mata niya at nanlamig ang buong katawan nang ma-view iyon. “Manong! Manong sa mansion! Pakibilisan po!” natataranta niyang sigaw. D-in-ial niya ang numero ni Elisa. “Elisa, please answer the call!” Ngunit walang sumasagot doon kaya mas lalo siyang kinabahan. “Elisa, come on!” Inulit niya ang pagtawag ngunit wala pa ring sumasagot doon. Nanginginig ang mga kamay na hinanap niya ang number ni Trent at tinawagan iyon. “Trent, you have to go home, now!” Pakiramdam niya ay lalabas na sa ribcage ang puso niya dahil sa lakas ng kabog niyon. “Manong? Wala na po bang ibibilis ‘yan?” aniya na hindi pa rin mapakali. Nilingon niya ang mga body

