Dismayadong tiningnan ni Gwyn ang kaniyang schedule. Sa dinami-rami ba naman ng araw na pwede siyang mag-guest kay Charmaine ay sa mismong araw pa ng laban niya sa DC. Malamang ay aabutin sila ng lunch doon at ang schedule naman ng interview sa kaniya ay ala-una. Kaunting oras na lang ang mayroon siya pagkatapos ng race at siguradong male-late siya sa interview. Hindi na raw kasi iyon pwedeng baguhin dahil mahigpit din ang schedule ni Charmaine. “I can’t believe na nagtiwala ka sa babaeng ‘yon, Gwyn!” ani Fae nang sabihin niya rito ang tungkol sa guesting niya sa show ni Charmaine. Binisita kasi siya ni Fae sa bago nilang bahay. “I-I just want to try it, Fae. Makakatulong ‘yon sa career ko. I know it may sound desperate pero papatusin ko na talaga ‘yon. Isa pa, nauna nang pumayag ang

