Matalim ang tinging ipinukol ni Gwyn kay Trent nang makarating siya sa kaniyang opisina nang nakabuntot pa rin ito. He’s acting like a real bodyguard. Hindi ito ngumingiti o nagre-response man lang sa mga bumabati rito. Ang buong atensyon ay nakatuon sa kaniya. “Trent, drop that! Umuwi ka na nga,” taboy niya rito ngunit umiling lang ang asawa niya. “I’m staying here, Mrs. Ferrell.” Umiwas ito ng tingin. Inirapan niya ito at pinilit na lang na mag-focus sa trabaho niya. Pagkatapos ng maghapong trabaho, naunang lumabas si Trent para i-secure ang dadaanan niya. In fairness, alam na alam nito ang ginagawa ng isang bodyguard. Siguro’y nag-train pa ito bago iyon ginawa. Napailing na lang siya sa ginawa ng asawa niya. *** Oras na ng hapunan. Ipinatawag daw siya ni Cassandra para sabay-

