Kahit maraming sinasabi ang mga kaibigan ni Gwyn habang nagkukuwentuhan sila, wala siyang maintindihan ni isa sa mga iyon. “Gwyn? Okay ka lang? Parang ang lalim ng iniisip mo, ah. Baka naman malunod ka na niyan,” biro si Kaila. “Uhh, just the work,” she lied. “Ano ba ‘yan? Hanggang dito ba naman, work pa rin?” sabi pa ni Kaila. Pilit naman siyang ngumiti para itago sa mga ito ang kabang nadarama. Sinulyapan niya ang hallway papunta sa kinaroroonan ni Danrick at ng kotse niya. Ilang sandali na lang at maaayos na iyon. “Excuse me, may gagawin lang ako,” paalam niya sa mga ito at nagmamadaling umalis doon. There’s a part of her na ayaw niyang pumunta, pero mas nanaig ang kagustuhan niyang tuldukan na ang ginagawa nina Mariah. She knew it was a stupid idea na kumagat sa pain ng mga

