Napamura si Gwyn nang maramdaman niya ang pagbangga ni Dante sa likuran niya. Kinabig niya ang manibela pakanan at naghanap ng malulusutan para lampasan si Mariah. But she kept the lead. “s**t!” mura niya nang muling maramdaman ang pagbangga sa likuran ng kotse niya. Sa pagkakataong iyon ay mas malakas at muntik na siyang masubsob sa manibela. Hindi siya makapag-focus sa pag-overtake kay Mariah dahil sa pag-iwas kay Dante. “These freaks are gonna f*****g kill me!” inis niyang sambit. Kinabig naman niya pakaliwa ang manibela para makaiwas sa mas malakas na pagbangga sa kaniya. Huminga siya nang malalim at nag-isip nang mabuti sa gagawin para makalusot sa ginagawa ng dalawa. “Focus, Gwyn. You can do it.” She kept her mind at ease for seconds before stepping on the accelerator. Ha

