“Gwyn, please accept my offer. Hindi ka pababayaan ni Giovanni sa Barcelona. Siya ang may-ari ng formula training school na kailangan mo. You don’t have to pay anything. Just do your best,” pangungumbinsi sa kaniya ni Nievo nang sa wakas ay paunlakan niya ito sa imbitasyon nito para sa isang dinner. Isasama sana niya si Zedd pero may date ito kasama ang girlfriend kaya siya lang ang nakarating. Her mom, of course, won’t go. “Please?” Napaisip si Gwyn sa sinabing iyon ng kaniyang uncle. Hindi rin naman basta-basta makapasok sa Giovanni Alejandro Racing School na gustong-gusto niyang mapuntahan. Sa pagkakaalam kasi niya ay doon din nagte-training ang isa sa mga pinakamahirap na nakalaban niya sa DC, si Avianna. Pagkalipas ng ilang sandali ay marahan siyang tumango. Malawak namang ngumit

