Namangha si Gwyn nang tumambad sa kaniya ang napakalawak na espasyo sa tabing dagat na mukhang sinadya para sa drag racing na madalas ginaganap doon ng mga kaibigan nina Luigi. “I requested this to my dad when we decided to buy this beach. We have our beach house there.” Itinuro ni Luigi ang burol kung saan nakatirik ang isang napakalaking bahay. Nagmukha iyong palasyo sa tuktok ng burol na iyon. Sa kabilang banda naman ay mga nakahilerang cottages at maliliit na beach houses. “Kayo naman pala ang may-ari nitong beach. Ilibre mo na lang kaya kami?” biro niya kay Luigi. “Well, dati naman—” Tinapik ni Mariah ang balikat ng nagsalitang si Dante at hinila ito papalayo sa kanilang dalawa ni Luigi. “Do you want a tour around this place? I mean, the race can wait. Don’t miss your moment bein

