Natatarantang bumangon si Gwyn nang mapagtantong wala na siya sa sofa bed. Sa pagkakaalala niya kagabi ay nakatulog na siya sa tabi ni Trent at hindi na nag-abala pang umuwi lalo’t dis-oras na rin naman ng gabi nang magising siya. Nasapo niya ang kaniyang noo. “Where is he?” Lumabas siya ng kwarto at naabutan si Trent na nanonood ng T.V sa sala. Tumikhim siya para kunin ang atensyon nito, ngunit nagtaka siya nang hindi man lang ito mag-abalang tumingin sa kaniya. “K-Kumusta ang pakiramdam mo?” Kinagat niya ang labi para pigilang mautal. “I’m fine, thanks. I didn’t know you slept here.” Doon na napakunot ang noo niya. May amnesia ba ito? “Y-You asked me to stay here last night.” “I can’t remember.” Ibinalik nito ang tingin sa T.V. “Okay. I-I’m going now.” Marahan lang itong tuman

