Malawak ang ngiti ni Gwyn nang ianunsyo ang pagkapanalo niya sa race. Kung tutuusin, it was just a friendly race. Wala pa iyon sa lebel ng kompetisyon na sinasalihan niya noon. She used to join street race way back in college. Ilang beses na rin siyang nahuli noon dahil sa madalas na over speeding kaya mula noon ay pinagbawalan na siya ng kaniyang ama na mangarera. Sakit lang daw siya sa ulo nito. Her father did not even let her drive her own car. Kumuha pa ito ng driver niya para masigurong hindi siya susuway. Naunang lumapit sa kaniya si Danrick. Sa likuran naman nito ay ang mga matagal na niyang nakakasama noon sa car racing. “Congrats, Gwyn! Grabe, ibang klase ka talaga. Walang kupas!” ani Danrick at tinapik-tapik ang balikat niya. “Ano pa bang aasahan natin, e, halimaw sa track ‘

