Isang linggo na ang nakalilipas pero ni anino ni Trent ay hindi pa nakikita ni Gwyn. Hindi rin naman niya ito nakikita sa bank dahil bihirang-bihira lang bumisita roon ang binata. “It’s been a week, Fae. Hindi ko alam kung ano’ng trip niya at hindi siya nagpapakita sa ‘kin,” aniya pagkatapos nilang kumain. Naikuwento kasi niya kay Fae ang tungkol sa pagkapanalo niya kaya nag-request ito na ilibre naman ito ng lunch sa isang mamahaling restaurant. Pinaunlakan naman niya iyon. Napangisi naman si Fae habang nakatingin sa kaniya. “Mukhang nami-miss mo na siya, ha. May something na ba?” Ngumuso siya at inirapan ang kaibigan niya. “Sinasabi mo? Sira! Napapaisip lang kasi ako. The last time na nag-usap kami, hindi naman sa nag-away pero nagkapalitan kami ng masasakit na salita—oh...” Natigila

