“What the hell are you doing?” Halos takasan na ng dugo si Gwyn nang bumaba ang side window at tumambad sa kaniya ang nakakunot-noong si Trent. Bumuka ang bibig niya nang ilang beses ngunit wala ni isang salitang namutawi roon. “Is there any problem, Ms. Barcelo?” Sa halip na sumagot ay malalaki ang hakbang na naglakad siya pabalik sa kotse niya. Namumula ang pisnging isinubsob niya ang mukha sa manibela. “What the fudge, Gwyn? Ano bang naisip mo at ginawa mo ‘yon?” sermon niya sa sarili. She realized how embarassing it was. Napapitlag siya nang biglang bumukas ang pinto sa may passenger’s side at mula roon ay pumasok si Trent. Wala itong kangiti-ngiting bumaling sa kaniya. “And now, you’re trying to escape, huh?” Nanlamig ang buong katawan niya at hindi kaagad nakasagot. “N-No,

