Kinagat ni Gwyn ang labi habang nagdadalawang isip pa rin na bumaba ng kotse niya. Hindi niya alam kung saan ni Trevor nakuha ang number niya pero kanina lang ay tumawag ito para sabihing puntahan ang kakambal nitong si Trent. At isa rin sa ipinagtataka niya kung bakit siya ang tinawagan nito para puntahan ang kakambal nito. “Hindi kaya alam na niya ‘yong tungkol sa agreement? Oh my God! Nakakahiya.” Ibinagsak niya ang likod sa sandalan ng driver’s seat. Wala ring sinabing dahilan ang lalaking iyon kung bakit kailangan pa niyang puntahan si Trent. Sumilip siya sa bintana at tinanaw ang mataas na building na para bang makikita niya roon si Trent kapag sumilip siya. His unit is on the 17th floor, and the condominium building has 25 floors. Bagama’t nagdadalawang isip ay umibis pa rin siy

