(AUBREY'S POV) Kumakabog na ng husto ang dibdib ko. Tonight is our first night together as a married couple. Asawa na ako ni Brendon at ito ang gabing kukunin na niya sa akin ang puri ko na iningatan ko ng mabahang panahon sa buhay ko. Kanina sa reception ay nakilala ko ang ilang mga kaibigan niya na kasama sa entourage. Biniro pa nga nila si Brendon na kaya raw pala ayaw akong iharap agad ni Brendon sa kanila ay dahil ang ganda ko raw pala. Hindi na raw nakakapagtaka kung bakit nainlove sa akin ang kaibigan nila at pinakasalan ako kaagad. Natawa na lang ako at sinakyan ang biro nila. Sinabi kong ginalingan ni Brendon ang panliligaw kaya nainlove na rin ako sa kanya. Nakaharap ko rin ulit ang parents ni Brendon at pasalamat na lang ako dahil naging civil naman sa akin ang Mommy niya,

