(AUBREY'S POV)
"What kind of wedding do you like? Do you prefer the traditional church wedding? Do want to get married by the beach? Or garden wedding?"
Napalingon ako kay Brendon habang papalabas na kami sa home office niya. Nauna nang lumabas ang lawyer niya kanina dahil may aasikasuhin pa raw itong importante.
"Hindi ba puwedeng civil wedding na lang?"
Hindi naman namin mahal ang isa't-isa kaya bakit kailangan pang pabonggahin at gastusan ang kasal namin? Magsasayang lang siya ng pera at mapipilitan lang kaming umakting ng todo sa harap ng mga bisita niya. Oo, bisita niya lang ang makakapunta kung sakali dahil wala naman akong iimbitahan sa kasal namin.
Napatigil siya sa paghakbang sabay lingon sa akin. Nakakunot pa ang noo niya.
"We will be legally married, Aubrey. Magiging totoong mag-asawa tayo kaya kailangang makita ng parents ko na ikakasal ako sa'yo. Kailangan mo na ring sanayin ang sarili mo na maging sweet sa akin kapag may ibang taong nakatingin sa atin. Better call me using an endearment also when we're outside. Walang ibang dapat makaalam sa kasunduan natin. But inside this house, you will be nothing but a submissive wife to me. Ako lang ang masusunod sa lahat. Hindi mo rin ako kailangang na ituring bilang asawa mo kapag nandito tayo sa loob ng pamamahay ko. But make sure that you're always available whenever I need you. Do I make myself clear?"
"O-Okay..."
Kailangan niya lang ang katawan ko. Iyon ang ibig niyang sabihin. Tsk. Paano ko naman siya papalambutin kung ganito siya ka-cold? Paano niya ako magugustuhan kung may pader sa pagitan namin at anak lang ang kailangan niya sa akin?
"Let's just go for a church wedding. And remember our script when someone ask you how did we meet. Nagkakilala tayo sa bakery na pinagtatrabahuhan mo. Naging customer ako roon hanggang sa nagkalapit tayo. No one should know na nagtrabaho ka rin sa mga sa bar at club. You should never mention anything regarding that. Always keep that in mind." mariin at seryoso pa niyang paalala sa akin.
Hayy. Ngayon pa lang ay masyado na siyang istrikto at dominante. Makakatagal kaya ako nito?
Puwes, kailangan kong tumagal. Kailangan ko ng maraming pasensiya at tiyaga. Hindi lang para sa pera kundi higit lalo sa kaligtasan ko at ni Tatay. Nangako naman si Brendon sa akin na hanggang nasa poder niya ako ay wala ring masamang mangyayari kay Tatay. Iyon ang pinanghahawakan ko.
"My parents will visit anytime soon. Make sure that they won't notice anything unusual. Galingan mo ang pag-arte mo."
Pagkasabi niyon ay nauna na siyang naglakad palayo. Napabuntong-hininga na lang ako.
Kaya ko 'to!
Makalipas ang tatlong araw ay dumating nga bigla ang parents ni Brendon. Isang tingin pa lang sa kanila ay kapansin-pansin na ang naghuhumiyaw nilang karangyaan lalo na ng Mommy ni Brendon. Sa paraan pa lang ng paglalakad at pananamit ay hindi maipagkakaila ang yaman nilang taglay.
"Mom, Dad. You didn't tell me you'll visit today. Siya nga pala, this is Aubrey... my fiancée..." pakilala sa akin ni Brendon nang salubungin namin sila sa living room.
Suot ko ang isa sa mga dress na ipinabili ni Brendon para sa akin. Ayaw ko sanang isuot dahil halatang mamahalin, pero wala naman akong choice at kailangan ko na ring masanay dahil magiging parte na ako ng mundo ni Brendon.
Kahapon nga ay pinasamahan niya ako sa isang tauhan niya na magpa-spa at magpa salon. Kaya kahit paano ay mas confident na ako ngayon.
"Honey, they are my parents." dagdag pa ni Brendon sabay ngiti ng matamis sa akin. First time ko siyang nakitang ngumiti ng ganoon kaya ilang segundo akong napatitig sa kanya. Para talaga siyang in-love sa akin. Ang galing niyang umakting.
"So, you're my son's fiancée."
Agad din akong napalingon ulit sa Mommy ni Brendon. Pinasadahan niya ako ng nanunuring tingin mula ulo hanggang paa. Napataas pa nang bahagya ang kanang kilay niya kaya lalo akong kinabahan.
"Magandang—"
"She's far different from Mia." komento pa nito kaya napakunot ang noo ko.
Sino naman kaya si Mia? Ex ni Brendon? At kailangan ba talagang ikumpara niya ako sa ex ng anak niya at sa harapan ko pa?
Mukhang may pinagmanahan pala ng ugali itong future asawa ko. Now I know.
"Mom." may paninitang tawag ni Brendon sa Mommy niya.
Pero hindi man lang natinag ang Mommy niya. Ngumiti pa nga ito at taas-kilay na tumingin sa akin. Para bang tahasan talaga nitong ipinapakita ang disgusto sa akin. Napalunok ako at lalong kinabahan. Mukhang ngayon pa lang ay may kontrabida nang hahadlang sa pagmamahalan este kasunduan namin ni Brendon. Mukhang lalo ako nitong mahihirapan sa pagiging asawa niya kung may kontrabida akong biyenan.
"What? I'm just stating my observation. Saan mo ba siya nakilala?" tanong pa nito.
At least 'Saan mo ba siya nakilala?' ang tanong niya at hindi 'Saan mo ba siya napulot?' Mas masakit iyon!
Umakbay naman sa akin si Brendon at pasimpleng pinisil ang balikat ko. Tumitig pa siya sa akin at ngumiti ulit ng matamis.
Nakakahanga na talaga ang kanyang mga acting. Samantalang ako ay nanginginig na sa kaba! Nakakaramdam na rin ako ng inis sa Mommy niya.
"I met her at the bakery she was working at. Mom, I hope you won't meddle with my life this time."
"Oh. Nagtatrabaho siya sa bakery? So she's not from a wealthy family? She's just a commoner..."
Napatingin pa ang Mommy ni Brendon sa asawa nito. Napakibit-balikat lang ang Daddy ni Brendon na parang wala namang issue dito ang social status ko. Ito lang yatang Mommy ni Brendon ang mukhang may issue sa akin dahil mahirap lang ako. Mukhang mata-pobre pa yata itong magiging biyenan ko. Tsk.
"Yes, Mom. But she's a good person. And she's not what you think she is." sabi naman ni Brendon.
"Bakit magpapakasal kayo agad? Buntis ka na ba?" baling sa akin ng Mommy ni Brendon.
Naibuka ko ang bibig ko pero hindi agad ako nakapagsalita. Masyado siyang prangka! Pero wala naman akong guts para sabayan siya dahil baka maging mitsa pa iyon ng problema namin ng anak niya.
"We're not yet sure, Mom. Pero ayaw niyo naman sigurong magkaroon ng apong bastardo, 'di ba?" sabat naman ni Brendon kaya nakahinga ako ng maluwag.
"Well, congrats in advance, son." nakangiting sabat na rin ng Daddy ni Brendon kaya lalo akong nakahinga ng maluwag.
"Thanks, Dad."
Tuluyan nang gumaan ang usapan hanggang sa niyaya na ni Brendon ng meryenda ang parents niya. Pero tumanggi ang Ginang at hindi na rin nagtagal doon ang mag-asawa.
Napakapit na lang ako ng mahigpit sa braso ni Brendon at iniwasan kong mapatingin ng matagal sa Mommy niya nang inihahatid na namin sila palabas sa kabahayan. Kahit kasi hindi na gaanong nagsasalita ang ginang ay ramdam ko pa rin na hindi ako pasado sa kanya para sa anak niya. Hindi rin naman siya pasado sa akin bilang biyenan pero wala na akong magagawa dahil nakapirma na ako sa kontrata. Kailangan ko na lang galingan ang pag-akting at ang pagiging asawa ng anak niya.
"So, when is the wedding? May exact date na ba?" tanong ng Mommy niya bago ito sumakay sa kotseng dala ng mag-asawa.
"Wala pa, Mom... But as soon as possible, it will happen. Babalitaan na lang namin kayo."
"Just make sure...Na hindi na tayo mapapahiya this time." matalinhagang turan pa ng ginang bago ako pasimpleng sinulyapan.
Ano naman kaya ang ibig niyang sabihin don?
"Don't worry, Mom... Everything's under control now. Magpapakasal kami ni Aubrey at magkakaapo kayo agad."
Napataas na lang ang isang kilay ng ginang bago ako nito muling sinulyapan.
"Let's go." sabi lang nito at basta na lang kaming tinalikuran.
Tsk. May pagka-bastos din talaga ang ibang mayayaman. Akala siguro nila, porket mapera sila ay may karapatan na silang magDiyos-Diyosan.
"Take care, Mom and Dad."
Kumaway na lang sa amin ang Daddy ni Brendon pero ang Mommy niyang maldita ay ni hindi na kami ulit sinulyapan.
Nang mawala na sa paningin namin ang kotse ng parents niya ay awtomatiko niyang hinila ang braso niya. Hinarap niya rin ako at tinitigan sa dating seryosong mukha niya.
"You were so sluggish. Papalampasin ko 'to dahil first time mong makaharap ang parents ko. But I expect you to think fast and do a better acting next time. 'Wag mong hayaang maliitin ka ni Mom because if you do, she will only crush you more. But never forget that she's my mother no matter what she says to you. You should still respect her all the time."
Basta na lang din akong tinalikuran ng supladong lalaki saka dire-diretsong naglakad papasok sa kabahayan. Napabuntong-hininga na lang ako at pinilit i-cheer ang sarili ko. Nandito na ako sa sitwasyong ito kaya titiisin at kakayanin ko 'to! Wala pa ang nangyaring 'yon sa mga susunod pang kakaharapin ko kaya kailangan ko laging tibayan ang loob ko!
MABILIS lumipas ang mga araw. Hindi na ako ulit tinanong o kinunsulta man lang ni Brendon tungkol sa aming kasal. Nagulat na lang ako nang may sumulpot sa bahay para sukatan ako. Pagkatapos niyon ay wala na, ni wala man lang sinabi sa akin si Brendon tungkol sa nalalapit naming kasal kaya ika nga ay go with the flow na lang ako sa mga nangyayari araw-araw.
Hindi na rin kami halos nagkikita ni Brendon, ni hindi kami kumakain ng sabay dahil palagi siyang maagang umaalis at late nang uuwi.
Sa guest room pa rin ako natutulog at lilipat lang daw ako sa master's bedroom kapag naikasal na kami.
Pinatigil na rin niya ako sa pagtatrabaho noong mismong araw na tumira ako sa bahay niya. Kaya kapag naiinip ako ay nakikipag-kuwentuhan na lang ako sa mga kasambahay dahil hindi naman ako sanay na walang ginagawa. 'Yon nga lang ay mailap sila akin. Para bang pinagbawalan silang makipaglapit sa akin.
Lumipas pa ang mga araw hanggang sa nagising na lang ako't may dumating na mga babae at bakla para mag-ayos sa akin. Binihisan rin nila ako ng wedding gown kaya nalaman kong iyon na pala ang araw ng aking kasal... ang araw kung kailan tuluyan na akong magiging pag-aari ni Brendon. Kapalit naman niyon ay pera at kaligtasan namin ni Tatay.
"Aubrey, do you take Brendon to be your lawfully wedded husband? Do you promise to love and cherish him, in good times and in bad, in sickness and in health, for richer for poorer, for better for worse, and forsaking all others, keep yourself only unto him, for so long as you both shall live?"
Nanatili akong nakatitig kay Brendon ng ilang segundo habang kumakabog ng husto ang dibdib ko.
Kinakabahan ako, nag-aalala at may kaunting takot sa buhay na kakaharapin ko kapag tuluyan na akong naging asawa ni Brendon.
After I say I do, he won't only become my husband but he will OWN me in exchange of his protection and money.
"I do."
Gumuhit ang isang ngiti sa mga labi ni Brendon pagkasabi ko niyon.
Ilang sandali pa ay tuluyan nang natapos ang aming kasal.
"By the power vested in me, I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride." turan ng pari na ikinapalakpak ng karamihan at nagkaroon din ng hiyawan.
Hinawakan ni Brendon ang magkabilang pisngi ko at itinaas niya nang bahagya ang mukha ko.
First time kong mahahalikan pero inihanda ko na ang sarili ko. Inihahanda ko na rin ang utak ko para sa honeymoon namin ni Brendon.
"You're mine now. Don't ever forget that." bulong niya bago binigyan ng mariing halik ang mga labi ko.
Napapikit na lang ako kasabay ng lalong paglakas ng t***k ng puso ko.
Magsisimula na ang panibagong yugto sa buhay ko dahil pag-aari na niya ako.