CHAPTER 2 - Sideline

1171 Words
(AUBREY'S POV) "Aubrey, kanina ka pa sinusundan ng tingin ng customer sa table 10. Hindi mo ba napapansin?" "Huh?" Nilingon ko ang tinutukoy ni Wynona na customer sa table 10 at nangunot ang noo ko nang masalubong ko ang titig ng customer na lalaki sa akin. Ngumisi pa siya at itinaas ang isang kamay niya na may hawak na baso ng alak. Siya na naman? Iyong baliw na customer na naman pala na nag-offer ng milyon-milyon sa akin kapalit ng kasal at pagbibigay ko sa kanya ng anak! Nag-iisa lang siyang umiinom at mukhang tama si Wynona na kanina pa niya ako sinusundan ng tingin. Pero imbes na mag-react ay hindi ko na lang binigyan ng pansin o kahit kaunting rekognasyon ang baliw na customer. Bahala siya diyan kung gusto niyang uminom. Kung inaakala niya na susunggaban ko ang offer niya matapos ang isang araw na pag-iisip ay nagkakamali siya. Hindi ako kakapit sa patalim—hindi pa, dahil kinakaya ko pa namang lumaban sa buhay kahit ako lang mag-isa at pasan ko pa ang sangkaterbang problema na dulot ng aking Tatay. Nagtatrabaho ako bilang waitress dito sa bar. Sideline ko lang ito kapag gabi dahil kapag umaga ay may iba pa akong trabaho. Mahirap ang buhay kaya napilitan akong kumayod ng husto para may pambayad ako sa maraming utang ng Tatay ko. Napabuntong-hininga ako at kinuha ang tray na isi-serve ko sa ibang customers. Kailangan ko lang sigurong magsumikap para makapag-ipon ako ng perang pambayad sa mga utang ng Tatay ko. Paano ba naman kasi ay nilulong na niya ang sarili niya sa bisyo. Tapos, naging adik pa siya kaya kung kani-kanino na nanghihiram ng pera para may pangtustos sa mga bisyo niya. Kung minsan pa nga ay ibinibenta na niya ang mga gamit namin sa bahay, pero hindi para pambayad-utang kundi pangtustos pa rin sa mga bisyo niya. Hindi man lang niya inisip ang kalagayan ko na nag-iisa niyang anak, babae pa at dalaga. At ngayon ay ako pa ang nahihirapan dahil sa mga ginagawa niya, nagiging pasanin ko pa siya kahit kayang-kaya pa naman sana niyang magtrabaho kung gugustuhin lang niya at magtitino na siya. Kung minsan tuloy ay parang gusto ko na lang sumuko o pabayaan siya. Pero wala eh, Tatay ko siya at mahal ko pa rin siya sa kabila ng lahat kaya hindi ko kayang basta na lang siyang talikuran at pabayaan kahit naging pabigat na lang siya sa akin at puro sakit ng ulo ang dala niya. Naglakad na ako papunta sa table 6 kung saan ko dadalhin ang sisig na inorder ng customers na naroroon. Tahimik kong inilapag sa mesa ang order nila at agad na akong tumalikod. Pero ang isa sa tatlong lalaking nasa table 6 ay bigla na lang pinigilan ang braso ko. "Miss, puwede ka bang i-table?" Tanong ng lalaki sa akin. Bahagya siyang nakangisi at may malagkit na titig sa akin habang pinapasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang hita. Nagtagal pa nga ng ilang segundo sa dibdib ko ang titig niya. Napapalatak ako sabay hila sa braso ko. Mukhang may masasapak na naman akong customer na bastos! Porke ba nagtatrabaho ako sa bar ay iniisip na nila na nagpapa-table din ako at nagpapa-take out? Ilang customer na ba ang nag-akala na isa rin akong p0kp0k?! "Sir. Waitress po ako rito. Kung gusto mo po ng babae, mamili po kayo sa mga nasa stage." Tugon ko na pinipilit panatilihin ang pagiging kalmado ko. Kapag nasapak ko ang customer na ito ay baka mawalan na ako sideline sa bar dahil may nasapak na akong customer doon dati dahil sa panghihipo sa akin kaya napagalitan ako ng Manager ng bar at nabigyan ng warning. Last ko na raw dapat iyon. Mayroon naman kasing mga babae sa bar na sadyang ibinabalandra ang halos hubad nang katawan nila sa stage sa tabi ng tumutugtog na live band. Puwede silang magpa-table at puwede pang ilabas kaya bakit ako pa ang gustong i-table ng customer na ito? "Ayaw ko sa kanila... Mukhang mas masarap ka." Bulgar na sabi pa ng manyak na customer. "Waitress lang po ako dito, Sir. Hindi po ako nagpapa-table." Pag-uulit ko nang mas mariin at mas malinaw. "Magkano ba ang gusto mo?" Puno ng malisya pa rin nitong tanong sa akin sabay hawak muli sa braso ko. Napangisi at nagpumiglas ako pagkatapos ay hinila ko ang braso ko, pero humigpit ang kapit doon ng lalaki. Napupuno na talaga ako at kaunti na lang ay makakasapak na talaga ulit ako ng customer! "Ted, bitiwan mo na si Miss. Hindi mo naman kasi inaayos ang pakikipag-usap mo. Miss, magkano ka ba?" Napanganga ako sa kasamahan ng unang manyak na lalaki. Akala mo kung sinong matino eh mas manyak pa yata siya sa kaibigan niyang tinawag niyang Ted! "3K? 5K?" Tanong naman ng isa pang kasamahan nilang lalaki na kapareho nilang manyak din! Aba't... Magkakaibigan nga sila dahil pare-parehas silang manyak! Birds of the same feather, flock together. Totoo nga ang kasabihang iyon dahil pinatunayan nila iyon! Sa wakas ay nahila ko na ang kamay ko at tatalikuran ko na lang sana sila para makaiwas sa gulo pero humawak naman sa balikat ko ang pangalawa sa tatlong manyak na customer at mukhang balak pang damhin ang boobs ko. Ang pangatlong manyak naman ay pinalo ang pang-upo ko at hinawakan ng isang kamay ang hita ko paakyat! "Sandali, nag-uusap pa tayo. 6k. Mataas na 'yan. Baka nga maluwag na 'yan—" Hindi ko na pinatapos ang sinasabi ng isa sa mga manyak na lalaki at hinablot ko ang dalawang bote ng beer na nasa table nila. Inihampas ko agad iyon sa ulo ng dalawang manyak na pinakamalapit sa akin. Kaagad ko ring kinuha ang kaka-serve ko lang na sisig at isinampal ko sa mukha ng isa pang manyak na balak sumugod sa akin. Mga gago! Mahirap lang ako pero pinapahalagahan ko ang p********e ko! Kahit halatang hilo si manyak number 2 dahil sa pagpukpok ko ng bote sa ulo niya ay pinilit niyang tumayo ng maayos habang sapo ang ulo niya. "Putang-ina mong babae ka!" Singhal niya sa akin at tinangka niyang lumapit pero nahila ko agad ang isang upuan at itinulak pasalubong sa kanya. Umiwas siya pero lalo lang siyang nawalan ng balanse kaya tuluyan na siyang natumba. Ang isa pang pinukpok ko ng bote ay nakasubsob na pala sa mesa at nakatulog. Samantalang ang sinampal ko ng umuusok na sisig ay dumadaing at humihiyaw ng malakas. Nagkagulo na sa loob ng bar at nakita kong papalapit na si Wynona sa kinaroroonan ko. Puno ng pag-aalala ang mukha niya habang nakatingin sa akin at nagmamadali sa paglalakad. Ilang saglit pa, nang nakalapit na si Wynona sa akin pati na ang ibang katrabaho ko sa bar ay siya namang paglabas ng Manager namin mula sa opisina niya. Malalim ang kunot ng noo niya at masama ang pagkakatitig niya sa akin. Napatingin ako kay Wynona. Nginitian ko na lang siya dahil sa mga sandaling iyon ay sigurado na akong mawawalan na naman ako ng sideline...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD