CHAPTER 4 - Pambayad-utang

1563 Words
(Aubrey's POV) Ilang araw na ang lumipas ngunit wala pa rin akong nahanap na sideline. Nawithdraw ko na rin lahat ng pera sa ATM ko na pagkakasyahin ko hanggang sa susunod kong sahod. Sana lang ay 'wag na iyong kunin ni Tatay. Mula nang gabing sinuntok ako ni Tatay sa tiyan ay hindi pa rin siya bumabalik sa bahay. Dati naman ay isa o dalawang araw lang siyang hindi umuuwi. Pero ngayon ay halos isang linggo na siyang hindi nagpapakita o ni nagpaparamdam. Maging iyong estrangherong mayaman na weirdo na nag-offer sa akin ng 50 million kapalit ng kasal at anak ay wala na ring paramdam man lang. Pero lately ay may napapansin ako na kakaiba sa paligid ko. Para bang may sumusunod sa akin at nagmamasid sa mga kilos ko. Pagkauwi ko nang gabing iyon mula sa bakeshop ay nagulat pa ako nang madatnan ko na sa bahay si Tatay. Mukhang siyang balisa. Pero nang makita niya akong dumating ay tumayo agad siya at sumalubong sa akin. Heto na naman... Hihingi na naman siguro siya ng pera sa akin. Sana naman ay 'wag na niya akong saktan ulit— "Aubrey. Sumama ka sa akin." maawtoridad niyang sabi. Mas lalo ko siyang natitigan at napansin kong namumula na ang mga mata niya na para nang luluwa. Para na naman siyang sabog. Lalo akong natakot na baka may gawin na naman siya sa akin. Bukod doon ay may ilang pasa siya sa mukha. "P-Po?" "Sinisingil na nila ako! Wala naman akong pambayad! Sabi nila, papatayin nila ako kapag hindi ko sila binayaran ngayon!" bulalas ni Tatay na lalong nanlaki ang mga mata. Sa kakamadali niyang magsalita ay nautal pa siya. "P-Po? M-Magkano po ba ang sinisingil nila—" "Limang daang libong piso!" Halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya. Limang daang libong piso? Five hundred thousand pesos?! Saang kamay ng Diyos ako makakakuha ng ganoon kalaking pera?! "Y-Yan na po ba ang lahat ng utang mo, Tay?" parang tangang tanong ko. Nagtanong pa ako eh wala naman akong pera kahit isang libo! Iilang daan na nga lang ang pera ko. "'Yan ang utang ko kay Goryo. Pero mayroon pa kay Gaspar at Mando." aniya sabay sabunot sa buhok niya. Iyong 500,000 na utang niya ay sa isang tao pa lang? Magkano pa sa iba? Ilan ang suma-total na utang niya? Diyos ko naman! Kahit siguro magkanda-kuba ako sa pagtatrabahao at kahit dalawa o tatlo pang sideline ang makuha kong trabaho pandagdag sa sahod ko sa regular job ko ay kulang na kulang pa rin! Hindi pa rin ako makakaipon ng sapat na halaga — o kahit kalahati man lang ng pambayad sa mga utang ni Tatay. Diyos ko! Akala ko iilang libo lang ang utang niya. Lampas na palang isang milyon! Diyos ko naman! Nanghihina akong napasandal sa gilid ng pinto. Paano kami makakabayad nito? "Pero may alam akong paraan para makabayad na ako kay Goryo..." aniya sabay titig sa akin. Hindi ko alam kung bakit nanindig ang mga balahibo ko at bumilis ang t***k ng puso ko. "Paano, 'Tay?" "Ikaw... Gusto niyang ibigay kita sa kanya kapalit ng utang ko." "H-Ho?!" A-Ako, gagawing pambayad-utang ni Tatay? "Wag kang mag-alala, magiging maganda ang buhay mo sa kanya. Medyo matanda na si Goryo, sisenta y dos na. Kaya kaunting tiis lang anak at made-dedo na 'yon. Mapapartehan ka pa ng yaman niya panigurado lalo na kung magpapaanak ka sa kanya. Tiisin mo lang... Para matulungan mo si Tatay. Hayaan mo't ako na ang bahala sa iba ko pang utang. Basta sumama ka na kay Goryo mamaya." "P-Po?" Kulang ang sabihinh nagulat ako sa mga sinabi niya at hinihiling niya sa akin. Seryoso ba siya? Seryoso ba talaga siya? Akong anak niya, kaisa-isang natitirang kapamilya niya, gagawin niyang pambayad-utang niya?? "Inihanda ko na ang mga gamit mo." Aniya sabay talikod sa akin at nagtungo sa kuwarto ko. Inilabas niya mula roon ang isang maleta ko. "Maya-maya, may susundo sa'yo rito. Sumama ka na lang sa kanila ng mahinahon para hindi ka masaktan. Kapag nagmatigas ka ay baka magalit pa si Goryo." Ani Tatay sa kalmadong tinig na parang inuutusan lang akong bumili ng asin sa tindahan. Pero hindi ko na kayang magkunwaring ayos lang. Hindi ko na kayang magtiis! Hindi ako papayag maging pambayad-utang! Hindi ako magiging pag-aari ng isang matandang mayaman na malapit nang mamatay para lang sa mga utang ni Tatay! "Ayaw ko, 'Tay." mahina kong tanggi sa kanya. Mukhang naintindihan niya ang sinabi ko kahit abala siya sa pagbuhat sa maleta ko. Ibinagsak niya ang maleta at sinibat niya ako ng matalim niyang tingin. "Ano'ng sabi mo?" "Ayaw ko, 'Tay. Hindi ako papayag maging pambayad-utang." lakas-loob kong tanggi sa kanya habang nakatitig ako ng direkta sa mga mata niya. Iglap lang ay nakalapit na akin si Tatay at malakas akong sinampal! "Istupida! Ikaw na nga ang titira sa magandang bahay at magbubuhay-reyna, ayaw mo pa?! Ano'ng pinagkaiba ng pagsama mo kay Goryo sa pagtatrabaho mo sa club? Akala mo ba hindi ko alam, ha?! Baka nga kung kani-kanino ka pang lalaki sumasama. Tapos kay Goryo lang, nag-iinarte ka?!" Nagulat ako at nasaktan sa pagsampal niya sa akin pero mas nagulat ako sa mga sinabi niya. Pinaparatangan ba niya akong nagpapagamit sa mga lalaki kapalit ng pera? Hindi ko na napigilan ang paghagulgol ko. Sobra-sobra na ang masasakit na salita ni Tatay. Sinasaktan na rin niya ako ng pisikal. "Ano pa'ng inaarte-arte mo? Gamitin mo ang kukote mo! Sumama ka kay Goryo. magpakabait ka sa kanya at malay mo, balatuhan pa niya ako. Gawin mo lahat ng gusto niya tutal sigurado namang sanay ka na diyan. Kung ano ang gusto niyang gawin sa'yo, pagbigyan mo. Gamitin mo 'yang katawan mo para yumaman nang magkasilbi ka naman." ang sabi pa ni Tatay kaya't kinilabutan ako. Panay na ang hikbi ko pero parang bulag at bingi na siya sa hitsura at mga hagulgol ko. Wala na siyang pakialam sa nararamdaman ko. Para bang hindi na talaga siya ang Tatay ko. Nakalimutan na yata niya ang pagmamahal niya sa akin at nanaig na lang ang mga bisyo sa buong sistema niya. Iyon na lang ang mahalaga sa kanya at ang makatakas sa mga utang at obligasyon niya. Nilamon na siya ng mga bisyo niya. Wala na akong halaga sa kanya. Bago pa man ako makasagot ay biglang tumunog ang mumurahing cellphone ni Tatay. Nang tingnan niya iyon ay agad siyang napangiti bago iyon dinala sa tenga niya. "Oo boss, nakahanda na siya. Sinabi ko na. 'Wag kang mag-alala, boss, pinagsabihan ko na siya... Kapag nagmatigas? Ikaw na ang bahala... Isasama mo ngayong gabi sina Gaspar? Ah... Kaya naman siguro niya. Talaga? Mabubura na ang mga utang ko sa kanila?! Ayos! Asahan ko 'yang pangako mo sa akin boss... Pagkatapos nito ay wala na akong atraso. Bibigyan mo pa ako ng goods? Ayos, boss!" tuwang-tuwang sabi ni Tatay sa kausap niya na mukhang iyong demonyo na na kukuha sa akin. Nanginginig na ang buong katawan ko dahil sa takot sa mga narinig ko! Mukhang hindi lang ako gagawing parausan ng matandang Goryo na iyon kundi ipapagamit pa niya ako sa kung kani-kanino! Bababuyin nila ako. Mga hayoooppp! "Paparating na sila. Ngumiti ka kung ayaw mo ulit tamaan sa akin. Naiintindihan mo? Tiisin mo lang para gumanda ang buhay mo." Ang buhay ko ang gaganda o ang pagdo-dr0ga niya? "O-Opo, 'Tay... Gagawin ko ito para sa iyo... Para sa atin..." Sabi ko sa kanya sabay punas ng mga luha ko. Agad siyang napangiti ng malapad sa sinabi ko. Wala siyang kaalam-alam na iba ang plano ko. "'Yan! Ganyan nga! Nag-iisip ka na! Hamo't matitigok din agad 'yon si Goryo. Lagi mong dalhin sa langit para matuluyan na. At kapag naka-tiyempo ka, kunin mo ang mga alahas at pera niya." Sabi pa ni Tatay bago malutong na humalakhak. Napangiti na lang ako ng malungkot. Habang tumatawa si Tatay na may papikit-pikit pa ay tumalilis na ako palabas ng bahay habang hindi pa dumarating ang mga demonyong susundo raw sa akin. Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa makarating ako sa isang maliwanag na kanto na may mga tambay. Mayroong tindahan doon at may bilyaran. Nagmamadali akong nagpaload sa tindahan. At pagkatapos niyon ay tinawagan ko ang numberong nakalagay sa calling card noong lalaking weirdo sa bar. Wala na akong ibang paraan na naisip para makatakas sa kinasusuungan kong sitwasyon kundi ang pumasok sa kaparehong sitwasyon na 'di hamak naman na mas maayos-ayos. Kahit papaano, doon sa estrangherong weirdo ay kasal at anak lang ang habol niya sa akin. Kumpara naman doon sa matandang pinagkakautangan ni Tatay na balak pa yata akong gawing pokpok niya at ng mga kaibigan niya! Dalawang ring lang ay sumagot na agad ang weirdo sa tawag ko. "Hello?" Anang malagong boses sa kabilang linya. "S-Si Aubrey ito... 'Yong nagtatrabaho sa bar dati... 'Y-Yong inofferan mo—" "I know. Get straight to the point." tila naiinip niyang putol sa sinasabi ko. Huminga muna ako ng malalim at pumikit ng mariin. Nag-ipon ako ng lakas ng loob bago muling nagsalita. "P-Payag na ako sa offer mo... P-Pero puwede bang sunduin mo na ako ri—" "Good decision. Nandiyan na ang mga tao ko para sunduin ka. Simula ngayon, dito ka na sa bahay ko titira." Agad na rin niyang pinutol ang pag-uusap namin. Napalunok na lang ako. Sana ay tama talaga ang desisyon ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD