"It's good your here Julia." Unang pumansin sa'kin si Lola Niña. Naguguluhan man ay nagawa ko pa ring bumaling sa kanya. Nakangiti siya sa'kin habang nasa tabi niya sina Lolo Nix at Lolo Leo na may pabulong na pinag-uusapan. "Alam mo bang ngayon lang namin nalaman that your twin sister and Felan are in relationship?" natatawang pagbabalita sa'kin ni Lola Niña. Gusto kong matawa dahil parang malaking joke iyong narinig ko. Last time I check ay ako iyong inayang magpakasal ni Felan kaya paanong iyong kakambal ko ang karelasyon niya? Na-coma lang siya ng ilang araw tapos pagkagising niya ay iba na iyong karelasyon niya? Anong kalokohan ito? "Kung hindi pa namin nakita iyong video ay hindi pa namin malalaman," pakisali ng Mommy ni Felan na si Tita Safiya sa usapan namin ni Lola Niña.

