Chapter 1

1316 Words
Chapter one "Sabi nila kapag umulan daw ng biyaya ng isang araw kasunod nito ay delubyo kina bukasan ". ️************ KABANATA. ONE SA isang park. magkasamang naglalakad sina Angela at Clerence habang pinagmamasdan ang mga batang masayang naglalaro ng habulan. "Babe, tignan mo ang saya-saya ng mga bata," nakangiting sabi ni Angela habang nakatingin sa mga batang naglalaro ng habulan. Dahil dito gusto ipagdiwang ng dalaga ang kanilang ika-labin dalawang anniversary . At sa tagal ng kanilang pagsasama .Masasabing kasal nalang ang kulang sa kanila. 'Ang swerte ko 'bulong naman ni clerence sa kanyang isip -isip habang pinagmamasdan ang magandang mukha ng nobya.Dahil hindi lang ito maganda sa panlabas kundi mabuti rin ang puso nito.Na kahit Anak mayaman siya ay hindi siya matapobre.Ang katotohanan nga ay simpleng tao lang siya.Sumasaya na siya sa mga simpleng bagay.Gaya ngayon,kahit sa Park lang sila imbes sa fine dinning restaurant. "Babe may mali ba sa mukha ko?"litong tanong ng dalaga. "wala babe , it's just that your so beautiful And I'm so lucky to have you"abot tengang ngiting sabi ni rence. "hay naku!bolero ka talaga kahit kailan." "mahal mo naman", sabay kindat. "corny mo talaga kahit kailan mr.Wilowskie"natatawang sabi ng dalaga. sabay pindot sa dulo ng ilong ng binata. bago bumaling sa mga vatang naglalalaro sa may play ground. "Gusto ko, Babe, pag nagka-anak tayo, isang dosena, para madami silang maglalaro," Napatingin naman si clerence sa kanya, sabay napailing ngunit may di parin nawawala ang ngiti sa kanyang mga labi. "Isang dosena? Ang dami naman!!"sagot nito na may halong biro. Napatingin siya sa binata saka tumawa."Saka Ayoko kang mahirapan!" Ngumuso siya na parang bata"kung sa ibang lalake sila pa mismo nag sasabi na sa mga girlfriend or wife nila na gusto nila madaming anak ,pero ikaw hinde!" Reklamo niya "Babe, Syempre iba talaga ako.Iisa lang talaga ang Clerence Williams Wilowski sa buong mundo " sabay kindat saka ng binata sa kanya. at hinawakan ang kamay niya at hinalikan saka muling naglakad. "besides I'm a doctor. Alam ko kung gaano kahirap manganak. Hindi biro ang pinagdadaanan ng isang babae mula sa pagbubuntis hanggang sa mismong panganganak. Biruin mo parang nasa isang hukasy ang isang paa mo sa panganganak palang,Ang hirap kaya nun!, tapos gusto mo isang dosena? Kung pwede nga, kahit wag na tayo mag-anak, ayos lang sa akin basta magkasama tayo,at ikaw nalang ang maging baby ko forever"sabi ng binta sabay muli siyang kinindatan. Pinitik niya ang labi ko, kaya hinalikan ko siya bilang ganti, na siyang ikinapula ng kanyang pisngi. Muli siyang sumandal sa dibdib ko. "Loko ,loko! Alam mo namang solong anak ako at lumaki akong puro mga yaya lang ang kalaro ko". "So am I,i'm- hmmff" "Shhh..." Nilagay niya ang hintuturo niya sa labi ng binata. "buti ka nga may mga pinsan ka ehh ako solong anak ng parehas only child kong parents.Ang lungkot kaya nun! Kaya gusto ko ng malaking pamilya," aniya. "Saka gusto ko, ang magiging panganay natin lalaki, para may taga protektor sila," sabi niya saka muling ngumiti . Pero napa iktad siya ng halikan siya ng binata. "Ba't mo naman ginawa yun ?" "Your lips is tempting kase" clerence said."pero pag lalake ang unang anak natin, baka masyadong makulit. Sumakit lang ulo mo," sabi ng binata sabay hawak sa kamay niya. "Babe, kahit sila pa ang pinaka-makukulit na bata sa buong mundo, basta mamahalin natin sila ng sobra-sobra, 'di ba?" she said with a sweet smile.Saka Sila naupo sa isang bence .At tumingin sa play ground. Bigla siyang napatingin sa isang ice cream vendor. "babe, gusto ko ng ice cream!" sabi ni Angela. "Sige, bili tayo," sagot ni Clerence, ngunit bago siya makatayo, biglang nag-ring ang kanyang telepono. "babe-" "Okay lang, sagutin mo na. Ako na lang bibili," ani Angela saka tumayo. Napangiti si Clerence habang sinasagot ang tawag. Ngunit hindi niya inakala na iyon ang huling pagkakataon na makikita niyang nakangiti si Angela. "SKREEEECH!-BANG!" "Oh my! Nabundol yung babae!" "Tulong! Yung babae nabundol!" "Tumawag kayo ng ambulansya!" Nabitawan ni Clerence ang kanyang telepono at dali-daling tumakbo sa kumpulan ng mga tao. Nanlalamig ang kanyang katawan habang unti-unting bumagal ang lahat sa kanyang paningin. At doon niya nakita si Angela-nakahandusay sa kalsada, duguan, ngunit mahigpit na yakap ang isang batang walang galos. Lumuhod siya sa tabi nito, nanginginig ang mga kamay habang hinawakan ang mukha nito. "Angela... babe, please..." Mabilis ang agos ng dugo mula sa kanyang ulo, ngunit ang mas masakit ay ang katotohanang iniligtas niya ang buhay ng bata kapalit ng kanyang sarili. "R-rence... please..." mahina niyang bulong habang inaabot ang kamay ng kasintahan bago tuluyang pumikit ang kanyang mga mata. Napuno ng nakakabinging katahimikan ang buong paligid. Napahigpit ang yakap ni Clerence kay Angela habang nanginginig ang kanyang katawan. Hindi niya alam kung ano ang uunahin: ang paghingi ng tulong o ang pagtanggap sa realidad na maaaring mawala ito sa kanya. "Sh*t!" Napamura siya, kasabay ng pagpatak ng luha niya sa pisngi ni Angela. "Ambulansya! Nasaan na ang ambulansya?!" sigaw ng isa sa mga taong nakapaligid. Hindi niya kayang maghintay. Naramdaman niyang hindi na gumagalaw si Angela at wala nang pulso. "Hindi... Angela, hindi pa puwede!" Nanginginig ang kanyang mga kamay habang inilalagay ito sa tamang posisyon. Agad siyang nagsimula ng CPR-30 compressions, dalawang paghinga-paulit-ulit. Hindi niya alintana ang mga luhang patuloy na bumabagsak sa mukha ng kasintahan. "Please, Angela, lumaban ka!" sigaw niya, desperadong umaasang babalik ang pulso nito. Maya-maya, may naramdaman siyang bahagyang paggalaw. "Angela?" Tumigil siya saglit, naghihintay ng kahit anong senyales ng buhay. Isang mahina at putol-putol na paghinga ang lumabas sa kanya. Mabilis siyang tumingin sa paligid. "God, please! Not her! Help us!" Dumating ang ambulansya. Agad nilang inilipat si Angela sa stretcher. Hindi bumitaw si Clerence sa kamay niya. "Doc, kailangan naming madala siya sa ospital ngayon din. Ikaw ba ang kasama niya?" tanong ng isang emergency responder. "Yes... I'm her fiancé," sagot niya. Kahit hindi pa sila kasal, sa puso niya, siya na ang buhay niya. Sa Reyes General Hospital, sinalubong siya ng kanyang kaibigang si Yna. "God, what happened, Rence?!" gulat nitong tanong. "Angela... she got hit by a car. I don't know anymore!" sagot niya, halos hindi na makontrol ang emosyon habang nagmamadaling nagsusuot ng surgical gloves. Sa loob ng operating room, siya mismo ang humawak ng scalpel. Gagawin niya ang lahat para mailigtas si Angela. Ngunit bawat minutong lumilipas ay tila isang patalim na tumatarak sa kanyang puso. "Dr. Reyes, ibigay mo sa akin ang suction!" sigaw niya kay Hanz, na kasama niyang surgeon sa operasyon. "Rence, kalma lang. Kailangan nating gawin ito ng tama," sagot ni Hanz, pero ramdam ni Clerence ang bigat ng sitwasyon. Ginawa niya ang lahat-chest compressions, defibrillation, lahat ng medical intervention. Pero bawat segundo, lalong lumalabo ang pag-asa. "Come on, Angela! Don't do this to me!" sigaw niya habang patuloy sa pag CPR.sa kanya. "Rence, tama na..." Mahinang sabi ni Hanz. "No! Hindi ako titigil! Kaya ko pa siyang ibalik!" "Rence..." Napatingin siya kay Dr. Reyes, ang senior doctor na nakamasid sa kanila. Ramdam niya ang lungkot sa kanyang mga mata bago ito nagsalita. "She's gone, pre..." Nalaglag ang scalpel mula sa kanyang kamay. Parang huminto ang mundo niya sa mga salitang iyon. Napaupo siya sa tabi ng operating table, hawak ang malamig na kamay ni Angela. "alam mo rence I'm so proud kase boyfriend ko ang 'youngest miracle doctor sa buong bansa!!!"sabi niya "Talaga lang ha?" "Of course hon ,for me your the best and number one doctor in the whole world ,hahah" she said those words while smiling. -fading voice of angela "Angela... babe... akala ko habang buhay tayong magkakasama..." bulong niya, tinutunaw ng sakit ang natitira niyang lakas.."........pero bakit mo ako iniwan ." Habang nakaupo sa madilim na sulok ng ospital, bumulong siya sa hangin. "Babe... paano na ako?" 'sobrang sakit lang sa part na sa daming tao niyang naligtas,ang babaeng pinaka mamahal niya pa ang hinde.' to be continued -cenestropy 04-11-25
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD