PROLOGUE PART 1 ONE LAST SUNSET WITHOUT YOU
ZY
"Congratulation graduates!" Kasabay ng announcement ng School President ang hiyawan at batuhan ng sumbrelong itim na toga ng mga kapwa ko studyante.
"Picture tayo Zy." Tawag ni Juls at Karen ngumiti naman ako kahit pilit, masaya akong na survive ang four years course na napili ni Mommy para sakin hindi ko lang maiwasan ang malungkot dahil sa isiping babalik na ako ng manila ng hindi man lang nakaka usap si Rey. Hindi ko naman matanong si Mila at Miko kung nasaan sya.
Tinignan ko si Mila abala syang nakikipag picturan sa mga ka-klase nya. Mukhang hindi naman sya nag aalala sa biglang pagkawala ni Rey o baka naman ako lang ang iniiwasan nya.
"Congratulations sweetheart," bati ni Daddy habang inaabot ang isang bouquet na bulaklak. Kakadating lang nya kaya hindi ko sya nakasama sa pag marcha.
"Thank you, Dad." Yumakap naman ako sa kanya bago kami nagpa picture kay Miko habang abala kami biglang lumapit si Alexis at bumati kay Mommy.
"Hi Tita, kamusta po?" Nagulat ako, kilala nya pala si Mommy. So, ibig sabihin kakilala ni Mom ang pamilya nya.
"How's your Mom?" Tanong pa ni Mom sa kanya.
"She's fine, Tita. Actualy, kasama ko sya," sagot naman nya sabay baling sakin at ngumiti.
"Congratulations satin Zy, thank you for helping me sa mga subjects natin alam kong malaki din ang nagawa ng teamwork kaya nagawa kong maging valedictorian," sabi pa nito nang hindi ko naiintindihan as in literal dahil si Rey lang ang nasa isip ko.
Nasaan ba sya.
Saan sya nag punta.
Bakit hindi nya ako pinupuntahan sa bahay.
Dati naman madalas syang mag punta sa bahay.
"Yeah, ano pa nga ba ang hihintayin natin sa kasalan din naman kayo papunta," narinig kong sabi ng isang hindi pamilyar na boses mula sa likuran ko pag lingon ko isang naka pusturang babae ang kausap ni Mom at Dad.
"Nakwento nga ng anak kong si Alexis na sobrang galing ng anak mo sa academics nya hindi mapagkakailang anak sya ng isang magaling na negosyante," duktong pa nito.
"Tama nga ang anak namin, maganda na at matalino pa ang anak nyong si Zy," singit naman ng Papa ni Alexis na halatang nagpapa bango kay Daddy.
"Sa tingin ko nga mas magiging maayos at malago ang mga negosyo natin kung sakaling sila ang susunod na mag mamanage ng mga negosyong nasimulan natin," duktong pa ng Papa nya habang hawak sya sa balikat.
At ako eto takang taka at nalilito nag uusap sila na para bang planado na ang gusto nilang mangyaring kasal.
"Maganda ang naisip mong yan," sang ayon agad ni Mommy na hindi man lang ako tinanong kung gusto ko.
"Masyado naman ata tayong padalos dalos sa mga desisyon natin, hindi pa naman natin alam kung ano ba talaga ang gusto ng mga bata," sabat ni Daddy, mabuti pa ang Daddy iniisip ang mararamdaman ko.
"Zy, jiha ano ba sa tingin mo ang anak kong si Alexis hindi bat perfect kayong maging couple?" Tanong pa ng Mama ni Alexis.
As in. Manhid ba sya.
Gusto ko syang sagutin ng hindi kami bagay ng anak nya dahil ugaling kalye at mayabang ang anak nila.
Ngumiti nalang ako bilang pag galang at para hindi mapahiya sila Daddy lalo na si Mommy dahil paniguradong sesermonan nya ako.
"Sino po ang ikakasal, Tita?" takang tanong ni Mila ng makalapit.
"Sila Alexis at Zy," masayang sagot ni Mommy na sobrang excited.
"What!? Mom?!" Bulalas ko sa pagkabigla. Napatingin ako kay Alexis nakangiti lang sya na para bang pumapayag sa kasunduan ng mga magulang namin.
Kaya ba sinabi nyang mas magiging successful ang business namin kapag sya ang pinili kong mahalin dahil magiging isa ang pamilya namin.
Bakit? Malulugi na ba ang business nila Dad. Mas gusto ko pang isipin yun kesa maisip na magpakasal sa kanya. Inirapan ko lang sya bago nag paalam na maunang umuwi dahil ayaw kong mag celibrate kasama sya.
Buti nalang umepekto ang palusot kong sumakit ang ulo dahil sa aga naming nagising para umattend ng graduation.
Pagdating sa tapat ng bahay ni Tita Mercy may lalaking naka tayo sa gate na parang may hinihintay naka hoddie syang jacket at pantalon sa tindig at tayo nya nakilala ko sya agad.
Si Rey.
Agad akong bumaba ng kotse at hinubad ang suot na sandals para siguradong maaabutan ko sya.
"Rey..." tawag ko sa kanya, hindi ako nagkamali sya nga. Napangiti ako saka lumapit, yayakapin ko sana sya dahil sobra ko syang namiss nang bigla syang umiwas.
Umatras sya na parang aalis. Nag tatampo ba sya dahil tinanggi ko sya kay Mommy.
Agad ko syang hinawakan sa braso ng tatalikod na sya.
"Mag usap tayo please... bukas ng hapon bago lumubog ang araw hihintayin kita sa madalas nating pinupuntahan," hinihintay ko ang sagot nya pero hindi sya nag salita.
Nakita ko lang sa mga mata nyang may namumuong luha, malungkot at kawalan ng pag asa.
Parang hindi na sya si Rey na nakilala ko.
Ang Rey na masayahin.
Palabiro.
Palaging naka tawa.
Para syang may dalang mabigat na problema.
Gusto ko syang yakapin.
Gusto ko syang tanungin gusto kong mag kwento sya sakin para mabawasan man lang ang sakit at bigat na nararamdaman nya.
Napansin kong napatingin sya sa bandang likod ko paglingon ko may kotseng parating.
Ang kotse ni Dad.
Pagtingin ko ulit sa kanya marahan nyang hinawakan ang kamay ko para alisin sa pagkakahawak.
Pinisil nya yun ng mahigpit bago tuluyang tumakbo paalis.
"Mag hihintay ako," sigaw ko pa. Napansin kong napahinto sya saglit sa pagtakbo bago tuluyang umalis.
"Ms. Zy, pakisuot mo muna ang sandals mo, mag tataka sila pag nakita ka nilang ganyan," bulong ni Julius at nilapag ang sandals na suot ko kanina.
Napansin ko ding sinadya nyang iharang ang kotse samin para hindi kami agad makita nila Mom at Dad. Sinuot ko naman ang sandals habang binubuksan nya ang gate.
Pasimple pa nya akong inabutan ng tisue para punasan ang luha ko.
"Hindi ko naipadala ang susi pasensya na," narinig kong sabi ni Tita Mercy habang palapit samin bago buksan ang gate. Kaya pala maaga silang naka uwi. Napansin ko namang madaming bitbit na paper bag galing pastfood ang driver.
Mukhang nag take out nalang sila.
Buti naman hindi na sumama si Alexis.
Pagpasok sa bahay dumeretso ako ng kwarto para magpahinga.
Naririnig ko silang nag uusap habang kumakain. Nag kukwento si Mila ng mga achievements nya sa school, proud na proud naman si Mom habang nakikinig. Pareho kasi silang competitive at ayaw magpatalo.
Kinabukasan maaga akong nagising niligpit ko na ang mga gamit na dadalhin ko pabalik ng Manila.
Naghanda lang ako ng isang maliit na bag para dalhin mamayang hapon sa pagkikita namin ni Rey. Kung sakaling sabihan nya akong magtanan nalang kami may dala akong konting damit.
At yung perang naipon ko.
Napatingin ako sa cellphone na binigay ni Mommy balak kong ebenta sana pero hindi nalang nilagay ko sa bulsa ng maletang dadalhin ko pabalik ng Manila.
Paglabas ko ng kwarto naka bihis na si Mom at Dad at yung mga maleta na dala nila nasa labas nadin mukhang uuwi na kami ng Manila.
Akala ko bukas pa hindi to pwede kailangan kong umisip ng paaran mag dadahilan na sana ako para magpa iwan nang mag salita si Dad.
"Zy, kailangan na naming bumalik ng Mommy mo sa Manila, sorry sweetheart may emergency nanaman sa office, mag-iingat ka bukas sa flight mo okay?" malambing na paalam ni Dad.
Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o malungkot. Nagkunwari nalang akong malungkot para isipin nila na gusto ko na talaga umuwi ng Manila kahit ang totoo hindi na.
"Okay lang, Dad." Sabi kopa habang naka yakap.
"Zy, anak kaya mo ba mag byahe mag isa ipapahatid nalang kita kay Julius," tanong pa ni Mom.
"Hindi na po, kaya ko na" sagot ko naman.
"Big girl na ang anak natin, kaya na nya yan," sabat naman ni Dad na nag lalambing kay Mom.
"Mercy, maraming salamat sa pag papatuloy samin," baling naman nya kay Tita Mercy habang nilalabas ang ibang maleta.
"Walang anuman Ate Sonya welcome kayo palagi," sagot naman ni Tita.
"Tita Sonya pag kompleto na ang mga papers ko sa inyo naman po ako titira, mas gusto ko po mag work sa manila," singit naman ni Mila.
"Oo naman hija maganda yang plano mo syempre welcome ka din sa bahay," malambing namang sagot ni Mommy habang nakayakap.
Konting bilin at payo pa ang sinabi ni Mom sakin bago sila tuluyang umalis ni Dad.
Pagdating ng hapon. Nag ayos agad ako para umalis, wala sila Tita Mercy pero nakapag paalam na ako kanina na aalis.
Pumunta agad ako sa madalas naming tambayan ni Rey ang tabing dagat bago lumubog ang araw.
Naupo ako sa buhanginan sa favorite spot namin dahil ang sabi nya dito mas magandang pwesto kung sunset ang titignan.
Lumipas ang kalahating oras wala padin sya. Nag umpisa nang lumubog ang araw. Hanggang sa kalahati nalang ang nakikitang sikat ng araw.
Nakaramdam nako ng lungkot sa isiping hindi na talaga sya darating. Hindi sya nale-late kahit kailan kapag may usapan kaming magkikita o susunduin nya ako.
Nag umpisa nang pumatak ang luha sa mga mata ko sa isiping hindi kona sya makikita pang muli. Baka kinausap sya ni Mommy ng hindi ko alam o baka naman natakot sya.
Natakot sya na ipaglaban ako.
Natakot syang humarap kay Mom at Dad.
Tuluyan ng lumubog ang araw at binalot na ng dilim ang paligid pero wala padin sya.
Walang Rey na dumating.
Malungkot akong tumayo para umuwi habang pinupunasan ang luhang dumadaloy sa pisngi ko.
Sinubukan ko pang dumaan sa bahay nila para tignan kung nandun sya pero isang madilim na bahay lang ang nakita ko na para bang walang tao ni isa miski ang mga bata na madalas kong maabutang naglalaro sa tapat ng bahay nila wala nadin. Wala din miski anong ingay akong naririnig.
Malungkot akong naupo sa kama habang nililibot ng tingin ang kwartong pinahiram sakin ni Tita Mercy.
Eto na ang huling gabi na dito ako matutulog. Hindi ko din alam kung kailan ako makaka balik dito sa probinsya na sobra kong mamimiss.
Ang bundok.
Ang mga pinuntahan namin ni Rey.
Maging ang alagang hayop ni Tita Mercy na madalas kong pakainin, mamimiss ko silang lahat.
Hindi ako nakakaramdam ng antok, hindi dahil excited akong bumalik ng manila.
Hindi ako maka tulog dahil kay Rey.
Hindi ko alam kung bakit.
Bakit bigla nalang syang hindi nagpakita.
Bakit hindi nalang nya sinabi sakin na ayaw nya na. Na hindi nya pala ako kayang ipaglaban.
Hindi nya ako kayang panindigan.
Nakatitig lang ako sa mga pictures na binigay nya sakin na nilagay ko sa maliit na album habang patuloy lang sa pag luha ang mata ko.
Pilit inaalala ang lahat at ang mukha ni Rey dahil kung mauulit muli ang buhay ko sya lang ang gusto kong mahalin ulit.