Daisy's POV Ilang araw na iyong nakakalipas buhat doon sa nangyari sa amin ni Attorney. Hindi ko pa naman nakukulit ngayon si Auntie Maria at Ekang dahil busy ako sa pagtuturo sa fitness class ko at martial arts class ko. Isa pa kailangan kong makahanap ng bagong tutuluyan dahil nakita ko iyong isa sa mga tauhan ni Otosan at mukang hinahanap ko. Hindi ako pwepwedeng makita ngayon ng Tatay ko dahil iuuwi Ako nitong sapilitan sa Japan lalo na at hindi pa ako pinapakasalan ni Attorney. Make out make out palang kami. Napahagikgik ako ng maalala ko iyong mainit na tagpo sa pagitan namin ni Attorney. Napabuntong hininga ako naka pangalumbaba sa table. Nasa coffee shop ako dito sa hotel. Itinext ko nga kay Empress iyong problema ko sa tutuluyan kase baka matulungan ako nito. Napakabait pa na

