Sabay pa kaming napatingin ni Mac sa may pintuan ng humahangos na pumasok si Tadaka. Kasunod nito si Cupid na tawa ng tawa. Hindi ko alam kung anong nakakatawa para kay Cupid kung iyong humahangos na reaskyon ni Tadaka o si Tadaka mismo. Para kase itong baliw. "Deonisio! What the heck is the meaning of this?" Di makapaniwalang tanong sa akin ni Tadaka at may inihagis sa akin. Agad na sinapo ko iyon at tiningnan. "It's a n****e tape? So what's the problem?" Takang tanong ko pa. Biniling biling ko pa iyon sa mga daliri ko. Si Mac at Tadaka ay napasinghap. Si Cupid ay tumawa na naman ng malakas. Tawang tawa siya sa reaksyon ng dalawa. Para silang nakakita ng multo. "Ito pa isa!" Hinagis ulit sa akin ni Tadaka iyong croptop naman na suot kanina ni Daisy. "It's a piece of clothes. So again

