Napasipsip na naman ako sa iniinom ko pero ubos na pala. Napagod yata akong pakinggan ito sa pagsasalita. Para bang nawalan ako ng energy. Alanganin ko pa nga silang dalawa na tiningnan. Akala ko tahimik silang dalawa pero akala ko lang pala iyon.
Tiningnan pa nga ako ni Ekang. Pinalo naman nito si Maria kaya tumahimik ito at tiningnan ako.
"Huy! Sta. Maria! Dahan dahan lang sa pagsasalita. Huwag mong binibigla si Daisy! Kita mo. Gulat na gulat sa pinag sasabi mo. Hindi mo manlang hinayaan makapag adjust. Akala niya isa kang saksakan na tahimik na tao. Hindi niya alam isa kang parot sa kadaldalan. Pero isang malaking pagkakamali iyong narealize niya ngayon ngayon lang na isang armalite iyang bibig. Hindi ka isang tahimik na nilalang." sabi ni Ekang.
Napahilot ako sa sentido ko kase parang sumakit iyong ulo ko. Parang dudugo iyong tenga ko sa pakikinig palang sa usapan nilang magkaibigan. Kausapin pa nila ako? Baka hindi ako abutin kinabukasan.
Magsasalita na naman sana silang magkaibigan ng may maglapag ng isang tasa ng kape sa table namin. Nagtatakang tiningnan ko iyong waiter na nagdala. Mukang nahulaan naman nito iyong itatanong ko.
"Ipinabibigay po ni Attorney Dennis. Inumin nyo daw po Mam para daw po nerbyosin kayo sa mga sinasabi nyo." Natatawang sabi pa nito sa akin at umalis na.
Pinalo ako ni Maria sa braso kaya napalingon na naman ako sa mga ito. May mga mapanuksong ngiti sila sa labi.
"Sus naman! May pakape kape pa si Dennis. Ikaw naman talaga Daisy. Napakatinik mo naman. Pihikan pa naman sa babae si Dennis. Ikaw lang pala ang makakapukaw ng interes niya. Pasok sa banga!" Sabi pa sa akin ni Ekang.
Pinalo ko iyong kamay ni Maria ng kukunin nito iyong kape na ipinabibigay daw sa akin ni Attorney. Inabot ko nalang dito iyong cheese cake na hindi ko pa nagagalaw. Agad naman nito iyon kinuha at inumpisahang kainin. Hindi talaga ako makapaniwala na naging Miss Universe ito.
"Ekang, kahit sinong lalake hindi makakatanggi sa taglay na alindog ni Daisy. Makamandag iyong kagandahan at kasexyhan niyan. Napakaganda ng muka. Makinis iyong balat mula ulo hanggang talampakan. Mamula mula pa na akala mo ba laging naliligo ng gatas ng kalabaw. Napakaliit ng bewang. Malaki iyong pwet at higit sa lahat malaki pa sa dede na meron ka, Ekang. May tumalo na sayo. Naiinggit nga ako kase nung naglalakad siya umaalog iyong joga niya. Bilog na bilog parang melon. Iyong mga lalake tuloy na mga nandito mga nakatayo ang mga alaga! Nakasaludo kay Daisy. Hanep, Si Attorney Dennis! Tiba tiba siya kay Daisy, abah!" Sabi ni Maria.
Napanganga nalang ako dito kase wala talaga siyang kapaguran sa pagsasalita. Ang dami dami niyang sinasabi. Partida na kumakain pa siya ng cake ng lagay na iyon.
"Water melon! Water melon! Papaya! Papaya!" Kanta pa nilang dalawa at nagtawanan na naman silang magkaibigan. Tapos nag high five pa sila ng maraming cake na dumating sa table namin.
"Kay Attorney Dennis at sa amo mo ito ibill ha? Dating gawi. Sa asawa kamo ni Doc Mattheo Andrew Sebastian Sr saka sa asawa ni Mikhael James Cruz." Sabi ni Ekang doon sa waiter.
Natatawang tumango ito. Mukang kilalang kilala na silang magkaibigan ng mga tauhan ni Cupid dito. Nakita ko pa nga na may pasimpleng inabot si Ekang dito.
"Pero Daisy kailan pa kayo magkakilala ni Dennis? Ngayon lang ulit nakipag usap yan sa isang magandang babae. Sa magandang magandang babae na may malaking puwet at dede?" Tanong ni Ekang sa akin.
Si Maria kase busy sa kinakain. Iniilang subo niya nga lang iyong isang slice ng chocolate mousse.
"Okay lang ba si Maria?" Tanong ko pa kay Ekang. Ngumisi ito sa akin.
"Ayos lang yan. Gustom na gutom lang yan kase ayaw pakainin ng matatamis ng byanan niya kase nga buntis. Nagbabawi. Masasanay ka rin." Sabi nito. Tumango nalang ako.
"Daisy, huwag Maria ang itawag mo sa akin. Auntie. Kase close naman na tayo. At sigurado na mahaba ang pagsasamahan natin. Lalong lalo na dyan sa pag hahanap mo sa forever. Irerecruit na kita. You are my second disciples. Si Ekang kase iyong una. Tuturuan kita kung paano mo makukuha iyong matamis na oo ni Dennis." Sabi nito sa akin.
Napatitig ako dito kase baka mamaya pinagtritripan nalang nila akong dalawa pero seryoso naman ito. I will give them the benefit of the doubt. Tutal ay si Attorney Dennis naman ang pinag uusapan namin dito. Wala naman sigurong masama kung matutulungan nga nila ako.
"Really? Tutulungan nyo ako?" Tanong ko pa.
Nagkatinginan silang magkaibigan tapos nagbulungan na naman at naghagikgikan.
"Hindi kami nagtratrabaho ng libre, Daisy. Lahat may kapalit sa amin. Pero panigurado iyong forever mo. Walang kamintis mintis. You will see when you make a deal with us. But what can you offer?" Hamon pa sa akin ni Auntie Maria.
"Paano nyo ako matutulungan kay Attorney? Parang wala naman siyang interest sa babae. Nakita na nga niya kanina iyong dede ko pero nakanganga lang tapos wala na. Hindi manlang niya ako kinuha iyong number ko. Kahit nga pangalan ko hindi manlang itinanong. I'm so sad, right now." Nangalumbaba pa ako.
"Ano? Nakita ni Dennis iyong dede mo pero walang reaksyon? Abay nung nakita ni Baby Boy iyong s**o ko tinigasan agad." Bulong pa ni Ekang sa akin.
"Talaga? Bakit sa akin walang reaksyon si Attorney. Napanganga lang siya. Mukang nagulat ko yata. Sabi ko nga pwede naman niyang hawakan at pisil pisilin. Willing na willing naman ako. Baka kase akala nito fake. Is that bad?" Inosenteng tanong ko pa sa kanilang dalawa. Nagtawanan iyong dalawa.
"I like you na Daisy. Hindi talaga ako nagkamali sa pag suporta sayo. Bigay na bigay." Sabi pa ni Auntie at humagikgik pa ito.
"Hindi masama iyon, Daisy. Hindi na kase uso ang pa demure ngayon. Iyong iba kase akala mo mga tahimik pero nasa loob ang mga kulo. Ilalaban natin iyang pag ibig mo kay Attorney Dennis." Dagdag pa ni Ekang.
"Inalok ko nga ng kasal kaya lang akala niya yata nag bibiro ako. Hayun nakaalis ng hindi ko manlang naipapakilala iyong sarili ko. Tapos hindi ko manlang nakuha iyong number." Napabuntong hininga pa ako. Nagkatinginan silang magkaibigan.
"Bakit ba gusto mo si Attorney? Pwede naman si Cupid. Mayaman din iyon. So why Dennis?" Tanong pa ni Ekang. I just shrugged my shoulder.
"Hindi ko din alam. Siguro na love at first sight ako kay Attorney ng makasalubong ko siya sa airport. So hayun nangako ako sa Tatay ko na hindi ako uuwi sa Japan hanggat hindi ko napapakasalan si Attorney. Pero binigyan ako ng deadline ng Tatay ko. Kaya the clock is ticking. My God! Kahit manlang sana t**i ni Attorney ay makita ko. Mukang malaki pa naman. Iyong sinlaki ng mga sausage. You know what I mean? Kahit hindi na niya ako pakasalan basta ayoko lang mamatay ng virgin. Mukang masarap pa naman si Attorney." Sabi ko pa sa kanilang dalawa.
Nagtataka ko silang tiningnan na magkaibigan kase nakatanga sila sa akin. Nakaawang pa nga iyong mga bibig nila.
"Did I say something wrong?" Takang tanong ko pa. sabay na umiling silang dalawa.
Napapitik pa ako sa ere ng marealize ko iyong sinabi ko kung bakit sila natigilan.
"Oh, I'm really sorry. Minsan kase talaga walang preno iyong bibig ko. I hope you both don't mind. Nasanay lang ako talaga dahil sa mga yaya ko." Sabi ko sa mga ito.
"Daisy! Daisy siete! I really like you na talaga! Isang daang pursyento! Ipupush talaga kita kay Attorney! May God! Wala namang kamalimalisya iyong sinabi mo. Iyon naman talaga ang tawag doon. Nagkakamalisya lang naman yun sa mga taong madudumi ang utak. You know what I mean?" Sabi pa sa akin ni Auntie Maria.
I sighed. Iyong malalim na malalim na buntong hininga.
"Finally, may nakaintindi din sa akin. Minsan kase na mimis interpret nila ako kapag nagsasalita ako ng mga ganyan. Nababastusan sila sa akin kaya medyo nag aalangan akong magsalita minsan. Akala nila maniac akong babae. Pero natural lang talaga sa akin itong ganito. Ang hirap naman baguhin iyong nakasanayan." Napabuntong hininga pa ako.
Tinapik ako ni Ekang aa kamay saka ngumiti sa akin.
"Don't cha worry Daisy. We are now friends. Ipagtatanggol ka namin. Parurusahan ko sila sa ngalan ng buwan!" Sabi pa nito sa akin.
"Tararararararat!" Tapos kumanta pa silang dalawa ng kanta ni sailor moon. Bahagya akong natawa kase mali mali naman iyong lyrics nila.
"So, matutulungan nyo ba talaga ako. Kailangan ko kaseng nakasal kay Attorney sa lalong madlaing panahon. Baka iuuwi ako ng sapilitan ng Tatay ko sa Japan. Ayokong magpakasal sa hapon. Gusto ko si Attorney lang." sabi ko sa kanila.
"What can you offer us, Daisy? Seryosong usapan ito. Hindi ako tumutulong ng walang napapakinabangan. Dahil ako ay parang fairy god mother ni Cinderella. Lahat kaya kong gawin. Para rin akong si Starla! Ano man ang iyong hilingin aking tutuparin! Starla!" Sabi pa nito.
Nag isip ako. Pinakatitigan ko pa silang dalawa. Mukang hinihintay nila kung ano iyong magiging sagot ko. Tapos may naalala ako kaya napangisi ako sa dalawa. Nagkatingin pa sila. Ako naman ay ngiting ngiti sa kanila.
"I promise that habang nabubuhay ako. Hinding hindi kayo magugutom na dalawa. And, we, as a japanese. We don't break our promises." Inilagay ko pa sa kanang dibdib ko iyong kamay ko.