Tumango tango silang dalawa. Tapos sabay pa akong kinamayan. Kitang kita ko iyong pagningning ng nga mata ni Auntie.
"Diyosme Sta. Maria. Jackpot tayo! Jackpot! Mukang mayaman itong half half na ito. Mukang mayaman pa kay Baby Boy! Kasing yaman yata ni Emperor!" Narinig ko pang bulong ni Ekang kay Auntie.
"I know it right. Ikaw lang wala kang kabilib bilib sa akin. Magaling akong kikilatis. Kita mo yan. Hinding hindi na tayo magugutom kahit itago pa ng mga byanan natin iyong mga cakes sa bahay. Hah! May supplier na naman ako! Lord! Mahal na mahal mo talaga ako at ibinigay mong biyaya sa akin si Daisy! Daisy siete! Hindi ka nagkakamali ng bigyan na naman ako ng blessing dahil hindi kita bibiguin. Ileletchon ko iyong manok ni San Pedro kapag hindi ko nabigyan ng happy ever after si Daisy." Sabi pa ni Auntie.
Tapos hinarap na nila akong magkaibigan. Mukang tapos na silang mag meeting na dalawa.
"Daisy, marami kang lapad?" Tanong ni Ekang. Napakunot iyong noo ko.
"Lapad?" Takang tanong ko pa. Sumenyas pa ito.
"Ah. Yen you mean? Yeah. I also have gold coins. Kaya lang nasa Swiss account ko iyon. Gusto nyo ba?" Tanong ko pa.
Napanganga silang dalawa tapos napapalakpak pa sila. Mukang tuwang tuwa sila. Akala yata nila nahukay na nila iyong Yamashita's treasure sa katauhan ko.
Naghawak kamay pa silang dalawa at nagtatalon na parang bata. Tumigil lang sila ng maalala yata ni Auntie Maria na buntis siya.
"Daisy, may dala ka bang sasakyan?" Tanong pa sa akin ni Ekang. Tumango ako. Nag high five silang dalawa.
"Let's go Daisy! Uumpisahan na natin ang happy ever after mo! Mag rerecruit ako ng mga tauhan na tutulong sa atin. Maniwala ka! Napakagaling ng taong ito. Lalo na sa pagmamanipula ng buhay. Kaya nga lang napakahirap nitong kausap. Kailangan may alas ka laban sa kanya. Except sa Swiss account mo. What can you offer to him? Kaya pag isipan mo na." Sabi sa akin ni Auntie habang papunta kami sa sasakyan ko.
Hindi ako kumibo pinag iisipan ko talaga iyong sinabi nito. Nagulat pa ako ng may pumisil ng s**o ko. Nakangising nakatingin sa akin si Auntie.
"Tiningnan ko lang kung totoo. Ang bilog bilog kase. Umaalog alog kapag naglalakad ka. Parang buhok! Sumusunod sa galaw mo. Malaki iyong dede mo pero hindi lawlaw. Virgin na virgin. Never been touch never been kissed. Jackpot na jackpot Si Attorney! Busog na busog! Masustansyang masustansya si Daisy." Dahilan pa ni Auntie at nagtawanan silang magkaibigan.
"Water melon! Water melon! Papaya!" Kanta na naman nilang dalawa.
"Ay! Mali, Ekang. Dapat hindi water melon! Melon lang!"
"Melon! Melon! Melon! Melon! Papaya! Papaya!" Saka sila nagtawanan.
Napailing nalang tuloy ako. Puro sila kalokohan na dalawa.
"Naiinggit lang si Sta Maria, Daisy! Kase wala siyang s**o! Flat chested!" Sabi pa nito. Napatawa nalang din ako.
"Flat chester man ako. Maalindog naman ako. Ang ganda ganda ko kaya. Tapos talented pa ako. Sa ganda kong ito naakit si Doc." Sabi pa nito.
Hinayaan ko lng silang dalawa na mag asaran. Baka mamaya kung ano na naman ang maisip na sabihin ni Auntie mapapagod na naman ako sa pakikinig.
Napakunot iyong noo ko ng iyong pupuntahan namin ay isang sikat na subdivision dito sa Pilipinas.
Ayaw nga kaming papasukin pero may ipinakita lang si Auntie Maria at Ekang doon sa guards. Tapos may tinawagan siya doon sa cellphone niya.
"Hermes! Ang mamahaling bag ni Jinky! Pagsabihan mo yang mga tauhan mo! Hah! Abah, ayaw kaming papasukin dito sa villages. Ibang sasakyan lang iyong sakay namin! Naku- hello! Hello! Papa Hermes!"
Napapalatak ito dahil mukang pinatayan siya ng tawag ng kausap niya. Pasimple akong natawa. Daldal pa rin siya ng daldal hanggang makarating kami doon daw sa pupuntahan namin.
Mukang mayaman talaga iyong pupuntahan naming tao dahil ang ganda ganda nitong bahay.
Hila hila lang ako ni Auntie sa kung saan. Napakurap pa ako ng makasalubong ko iyong isang pares ng berdeng mga mata.
"Emperor my favourite pamangkin! I want you to meet my newly recruited discipline! Daisy! Daisy siete! Representing and from the land of the rising money! Este raising sun pala! Madaming lapad! Ja! Ja! Japan! Oh ha! English na naman yan pamangkin! Oh ano? Ano? Ang ganda at ang sexy ng pambato ko hanoh? What can you say? Napakagaling ko talagang pipili! Walang kamintis mintis."
Hindi ko alam kung matatawa ako o kung ano ang dapat kong maging reaksyon sa babaeng nasa harapan ko.
Napatuwid ako ng tayo ng mapako iyong tingin sa akin ng tinawag ni Auntie Maria na pamangkin. Nakakatakot tumitig iyong berde nitong mga mata. Akala mo ba dinadala ako sa hukay. I got chill. Hindi ako makakilos. Except to my father ngayon lang ulit ako nakaramdam ng takot. Totoo pala talaga na nakakatakot iyong aura ni Emperor. Gwapong mapanganib. Ganon.
"Where did you met her?" Seryosong tanong nito at lalo akong pinakatitigan.
"A-autie. M-mamatay na ba ako?" Bulong ko dito.
Napahawak ako kay Auntie Maria kase para akong kinakapos ng hininga sa takot at kaba. Hihimatayin pa yata ako sa takot.
"Huwag kang matakot! Si Emperor lang yan. Ako ka ba naman?" Sabi naman ni Auntie sa akin.
"Iyon na nga. Si Emperor yan." Sagot ko naman dito. Tinapik lang ako nito sa pisngi tapos binulungan ako.
"Ganyan lang yan pero kita mo mamaya tiklop yan parang makahiya. Ako pa ba naman? Wala kang kabilib bilib sa pinaka maganda Auntie sa balat ng sankalupaan. May panangga tayo sa masamang espirito! Mamaya lang nandito na iyon kase narinig niya iyong boses ko. Ako kaya ang isa sa sa pinakapaborito niyang tao. Kaya chill chill lang! Relax! Isipin mo nalang na ginagawa mo ito dahil sa pag sinta mo kay Attorney." Bulong din nito.
Hindi ko alam kung papaniwalaan ko siya sa dami ng lumalabas na salita sa bibig niya. Minsan hindi ko na maintindihan dahil sa dami niyang sinasabi. Madaldal pa siya sa madaldal.
"Fitness instructor namin siya ng byanan kong ubod ng yaman. Tapos martial art intructor naman siya ni Ekang. Huwag kang mag alala nakilatis ko na siyang mabuti at wala siyang hidden chorva. Nakaliskisan ko na yan. Mapulang mapula na nga ang hasang niyan. Nakita ko aalialigid kay Attorney. Kaya naman pala Type pala niya. Kaya nandito kami sa harapan mo upang humingi ng tulong para magkaroon siya ng happy ever after. Tadah!" Tuloy tuloy na sabi nito.
Napatakip nalang ako ng muka kase parang ako iyong nahihiya sa sinasabi nito. Pero mukang nakuha namin iyong interes nito sa sinabi ni Auntie. Iyong kunot ng noo nito ay napalitan ng ngisi.
"Attorney who?" Nakangising tanong nito sa amin. Umayos pa ito ng upo na akala mo hari.
Siniko ako ni Auntie pero pinanlakihan ko lang siya ng mga mata. Nakangising itinulak ako nito muntik na akong mabuwal kung hindi lang ako nahawakan ni Ekang. May mapanuksong ngisi pa ito sa mga labi.
"Sakyan mo nalang. Ganyan lang yan si Maria pero matutulungan ka niyan. Pag tiisan mo nalang may topak lang talaga." Bulong pa nito sa akin.
Napangiwi ako ng palupaluin pa ako ni Auntie Maria sa braso. Si Ekang naman ay nagkibit lang ng mga balikat at parang siyang siya sa nangyayari.
"Daisy siete Attorney who daw! Sumagot ka nga! Abay walang hiya hiya dito. Sagot kapag tinatanong! Kailangan listo ka! Abay hindi pwedeng papatay patay tayo dito. Hindi pwede ang pagong sa ganitong bagay! Karera ito ng pag ibig! Tandaan mo! May katunggali ka sa pag ibig mo. Si Iliana iyong kaibigan ng blue eyes na kapatid ni Thunderbird-"
" Santa Maria resort iyon Thunderbird sa La Union. Thunder Zid iyong pangalan ng Kuya ni Tamarra. Tanga!" Singit ni Ekang.
Pero hindi siya pinansin ni Auntie. Itinulak lang niya ito tapos nag asaran pa silang dalawa. Hinatak ako nito at hinila ako patayong mabuti.
"Sumagot ka Daisy! Alangan naman ako pa ang sumagot sa mga tanong ni pamangkin para sayo. Ginagawan na kita ng happy ever after pero kilos kilos din. Hala! Dali! Sagot! Walang patumpiktumpik!" Nanlaki iyong mga mata ko ng paluin pa ako nito sa pwet.
Pero sumagot na din ako kase baka kung ano na naman ang sabihin nito.
"It's Attorney Saavedra." Alanganing sagot ko.
Tumaas iyong isang kilay ni Emperor. Tapos itinulak na naman ako ni Auntie Maria. Napasimangot na ako kase parang siya pa iyong kilig na kilig kapag binanggit ko iyong attorney.
"Si Dennis?" Tanong pa rin ni Emperor.
"Yeah." Simpleng sagot ko.
Napangiwi ako kase lalong lumawak iyong pagkakangisi nito sa sagot ko. Kung kanina nakakatakot siya, ngayon naman iyong ngisi niya parang may binabalak siyang hindi maganda.
Konti nalang talaga baka mag collapse na ako dahil sa nerbyos. Hindi naman ako basta basta natatakot pero iba kase ang aura ng taong nasa harapan ko.
"Ow! It was really Attorney Deonisio "Dennis" Saavedra. This is interesting Auntie Maria. May pagkakaperahan ka na naman." Sabi pa nito kay Auntie.
Kitang kita ko na nag ning ning iyong mga mata ni Auntie nung mabanggit ni Emperor iyong salitang pera. She even flip her hair like in a shampoo commercial.
"I know it right. Huy, Ekang! Magsalita ka!" Tinabig pa nito si Rizza Mae na tatawa tawa lang.
"Emperor kaya ganyan yan kase maraming pambili ng pagkain si Daisy! Mayaman yan. Kasing yaman ni Baby boy." Sagot naman ni Ekang.