"Daisy! Daisy siete!" Sabay pa nilang sabi tapos nagtawanan silang magkaibigan at nag high five pa.
Hindi ko alam pero parang napasok yata ako sa isang malaking laro. Napatakip nalang ako sa muka ko.
"Do you even know that you have a "karibal" when it comes to Dennis? Anong laban mo except dyan sa bibig ni Auntie at sa mga biyas ni Rizza Mae?" Pinagdiinan pa talaga nito iyong salitang karibal. I sighed. Tapos tumango ako dito.
"Pamangkin you ouch me! Hindi ako madaldal!" Sabi pa ni Auntie.
"Emperor nakaka hurt ka ng feelings!" Apila naman ni Ekang.
"Quite! Kayo bang dalawa si Daisy?" Masungit na sabi nito sa dalawa. Sumimangot lang si Auntie at Ekang pero tumahimik naman sila.
"I know." Simpleng sagot ko. Napabuntong hininga na naman ako.
"Emperor karibal lang naman. Hindi naman girlfriend ni Dennis si Iliana. They just dated twice pero hindi na nasundan iyon. Ay mali pala. Naging sila pala ni Dennis. Kaya lang two weeks lang daw. Kaya alam namin ni Sta. Maria na malaki ang pag asa nitong manok namin! Hindi pa kase nasisilayan ni Dennis si Daisy! Pero kapag nalaman ni Dennis na cup C si Daisy-"Singit ni Ekang.
"Ekang!" Saway ko at tinakpan ko iyong bibig nito. Napakabalahura talaga ng bibig nilang magkaibigan.
Hindi ko alam kung matutuwa ako sa kanilang magkaibigan kase malaki iyong paniniwala nila na may pag asa iyong nararamdaman ko kay Attorney o dahil sa pangako ko sa kanilang dalawa na hindi sila magugutom habang nabubuhay sila basta ibigin lang ako ni Attorney.
"And where did you get that information, Rizza Mae? Hindi naman kayo close ni Tamarra. Hindi rin naman chismoso si Thunder. So how did you know their were abouts." Nakataas kilay na tanong ni Emperor dito.
Inalis si Ekang iyong kamay ko na nakatakip sa bibig niya at naupo sa sofa na naroon.
"Huh! You are talking to Rizza Mae duh!" Sagot naman nito.
Humalukipkip pa ito sa pagkakaupo at inumpisahang kainin iyong mga candy na nakulimbat nito.
"And according to my newly found friendship. Mailap daw talaga itong si Attorney dahil ang first love pala nito ay si Mareng Tamarra! You see that! Love triangle pa pala sila ni Pareng Dastan! Tapos ayaw talaga doon kay Iliana. Pinilit naman daw ni Dennis na magustuhan si girl pero wala talagang effect. Pero malakas pa rin ang fighting spirit ni girl kaya hindi pa rin sumusuko kay Attorney. Patuloy pa rin ang panliligaw." Dagdag pa ni Auntie.
Napaupo ako patabi kay Ekang kase para akong napagod sa pagsasalita ni Auntie Maria. Napakuha pa ako ng candy dito. Ngumisi lang sa akin si Ekang tapos itinuro iyong isang sulok. Muntik ko ng mailulon iyong candy kase may dalawang batang lalaki pala roon na naglalaro.
Magkamukang magkamuka ito. Tapos berde rin iyong mga mata nila kaya sigurado ako na mga anak ito ni Emperor. Nakatingin lang sila sa amin tapos hindi na kami pinansin at tahimik silang naglalaro doon sa playpen.
"Ang babait naman nila." Bigla kong nasabi. Napasimangot si Ekang sa sinabi ko.
"Mababait? Wait mo lang. Kapag ganyang tahimik ang kambal. Maya maya. World war five na ang kasunod. Doon mo sabihin na ang babait nila. Mana kaya iyang dalawa sa ama nila. Parang laging menopause." Bulong pa nito. Naging alanganin iyong ngiti ko.
"Sino naman ang naging bago mong friendship?" Narinig kong tanong ni Emperor kay Auntie. Nabaling tuloy ulit iyong atensyon namin dito ni Ekang.
"Walang iba kung hindi si Tamarra! Si Misis De Cordova! Bilyonarya iyong bago kong amiga. May pa tea tea pa kami ni Ekang kapag nagpupunta kami sa bahay nila. Talagang naging friendly ako sa kanya ngayon. Magkumare na nga kami kapag nanganak ako. Kaya sa kanya ko nakuha ang lahat ng impormasyon na kakailanganin ko upang maisagawa ang happy ever after ni Daisy! At ang patungo sa rururok ng bundok ng pagkain." Sagot nito.
"Daisy! Daisy Siete!" Sabay na sabi na naman nilang magkaibigan.
Napapalatak si Emperor. Kahit naman ako kase tuwang tuwa sila sa pangalan ko. Napahilot pa sa sentido si Emperor kase parang sumakit yata iyong ulo nito sa mga kalokohan ng dalawa.
"Babe, may bisita ka daw? Kukunin ko muna iyong-"
Natigilan kaming lahat at napatingin doon sa babaeng bagong pasok sa silid. Napanganga ako lalo na ng ngumiti ito. Parang lumiwanag iyong buong paligid. Ang ganda kase nito. Para siyang anghel na bumaba sa lupa. Hindi ko alam pero parang gusto kong mag dasal.
"Sta. Maria tingnan mo si Daisy. Baka makasama na namin mag nobena kapag kaharap si Empress." Sabi ni Ekang at itinuro ako.
Agad na lumapit dito si Emperor. Those warm gaze. Those loving looks. Halatang mahal na mahal nila iyong isa't isa.
I sighed. Ganyan ganyan kase iyong tingin ni Otosan kay mama. Ganyan din iyong tingin ni Max. I sighed again.
"Babe, samahan mo muna sila Auntie at Rizza Mae sa kusina mukang gutom na naman sila. May pag uusapan lang kami ng bago niyang tuklas na kaibigan." Sabi nito sa asawa. Napalunok ako.
"Empress may cake ba kayo dyan? Nagugutom na kase kami ni Ekang. Iyong byanan ko itinatago na naman iyong mga masasarap na pagkain-"
Tumango iyong babaeng bagong pasok tapos nginitian na naman ako. Napangiti lang tuloy ako dito. Tapos nasundan ko nalang sila ng tingin ng lumabas silang tatlo kasama iyong kambal habang patuloy pa rin iyong pagdaldal ni Auntie at iyong mga himutok niya sa buhay na may kinalaman sa pagkain.
"Now, it's the two of us. Are you really here to seek for my help. O wala kang ibang nagawa dahil dinala ka dito ng madaldal kong tyahin?" Seryosong tanong nito. I sighed.
"Maniniwala ka ba kung sasabihin ko na kailangan ko talaga ng tulong mo para kay Attorney at sa nararamdaman ko para dito?" Seryosong tanong ko. Hindi ito kumibo. Nakatitig lang siya sa akin.
"Kung talagang may maitutulong ka para makuha ko ang happy ever after kay Attorney. Hihingi talaga ako ng tulong sayo. Kase sabi ni Auntie Maria ikaw daw ang makakatulong sa akin." Dagdag ko pa.
"Why would I help you. I don't even know you." Pasupladong tanong nito.
Gusto kong mapasimangot pero pinigil ko iyong sarili ko. Para siyang judge sa beauty pageant.
"Gusto ko si Attorney. As in gustong gusto ko siya." Sagot ko dito. Pero parang hindi naman siya naniwala.
"At ayokong mamatay ng virgin!" Dagdag ko.
Napakunot ng nuo ito. Alanganin akong ngimiti dito. Tapos itinikom ko na iyong bibig ko kase baka mamaya ano na naman ang masami ko. Sabi nga ni Auntie wala daw filter.
"Okay I get it. But what do I gain for helping you?Wala ng libre sa panahon ngayon." Tanong pa rin nito.
Napangisi ako at seryoso kong sinalubong iyong tingin nito. Kitang kita ko iyong ngisi nito. Mukang siyang siya siya.
"I can give you power." Sagot ko.
"I have power. I have money. I have everything." Sagot din nito. I sighed.
Mukang tama iyong sinabi ni Auntie na hindi madaling kausap ang pamangkin niya kaya kailangan ko ng ilabas iyong alas ko. Ito lang ang pag asa ko para makalapit kay Attorney.
"You have them. But I can give you more." Sabi ko pa.
"How?" Sumeryoso na naman iyong muka nito.
"I know that you need a power and influence of a renowned clan in Japan. Para sa pagpapalawak ng business empire mo. At ako ang sagot sa problema mo." Seryosong sabi ko dito.
Buti nalang ng pumunta ko sa Pilipinas kasama si Emperor na pinaimbestigahan ko dahil kaibigan ito ni Attorney.
Tumaas iyong isang kilay ko dahil kitang kita ko iyong pag seryoso nito at iyong mala demonyo niyang ngisi. Nakuha ko na iyong interes nito. I know I can close this deal. I have to. Dito nakasalalay iyong hindi ko pagkamatay ng virgin!
Sayang naman iyong cup C na dede ko at pagiging virgin kung hindi manlang ako matitikman ni Attorney. Si Attorney Dennis ang pantasya kong lalake. Gusto kong mapahagikgik sa nasa isip ko pero pinigil ko lang iyong sarili ko kase nakatitig sa akin si Emperor.
"Are you kidding me? I need the influence of Adachi clan. Can you do that?" Hamon nito. Taas noo ko siyang sinalubong ng tingin.
"I am not kidding you, Emperor. Sino ba ang taong gustong makipag biruan sa demonyo? I am the sole heiress of the Adachi clan in Japan. I am Hana Deiji Adachi. Isang sabi ko lang kay Otosan. You can do what ever you want in our country." Sabay kaming napangising dalawa.
"What is you proof?" Paninigurado nito.
"My birthmark." Sagot ko at ipinakita ko dito iyong crescent birthmark ko sa batok. Only Adachi can inherit this birthmark. Mukang siyang siya siya sa natuklasan.
"So it's a deal?" Tanong ko pa at inilahad ko iyong kanang kamay ko.
"Deal." Inabot nito iyong kamay ko at nakipag hand shake sa akin.
Sana lang tama iyong desisyon ko at hindi ako nakipag deal sa isang demonyo.
"Emperor, I need to get married to Attorney as soon as possible. The clock is ticking. Baka mag menopause ako. Hindi pa ako nakakakita ng ti-"agad na tinakpan ko iyong bibig ko sa dapat kong sabihin.
Napapalatak ito sa akin. Alanganin lang akong ngumiti dito at halos takbuhin ko na iyong pintuan makalabas lang.