Napailing nalang ako sa babaeng nakilala ko ngayon sa coffee shop ni Cupid. Naalala ko na kung saan ko ito nakita. Ito iyong babaeng ibliblind date sana sa akin ni Mama. Fitness instructor daw nila ito ng mga amiga niya. Mas maganda pala ito lalo sa personal. She got a perfect figure. A walking s*x symbol. Kaya nga lang kung ano ang ikinaganda ng muka nito siya naman ikinabalahura ng bibig nito. I smirked. "Hindi mo naman sinabi Dennis na may bago ka palang manliligaw." Natatawang biro sa akin ni Cupid. Inismiran ko lang ito. Ginawa niya pa akong driver. Akala ko kung anong emergency. Iyon pala magpapasama lang itong mag grocery para sa kapatid nito. Tapos nagpapahatid sa akin sa bahay nila Liway. "I don't know her. Kanina ko lng siya nakausap." Bale wala kong sabi dito. Mukang nagka

