02

1672 Words
"You broke your promise! Bumagsak ako sa test!!" malakas nyang sigaw sa akin. Napayuko ako, hindi ko alam ang sasabihin ko. Galit sya ngayon, hindi ko alam at nawala talaga sa isip ko. "Ricci, i'm sorry." yun na lang ang tangi kong nasabi, binigyan nya ako ng malamig na tingin at umalis sa harapan ko. Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak. Agad na pinunasan ko ang luha ko. Umupo muna ako sa upuan at umiyak lang ng tahimik. Okay lang ako, okay lang. Pinunasan ko ang luha ko at ngumiti. Okay lang ako, okay lang. Di na ako iiyak, kaya ko 'to. Eto naman ang gusto ko, bat ako magrereklamo. Kasalanan ko naman, kasalanan ko naman. Ako yung hindi pumasok, nangako ako. Hindi na ako nagpaalam sa kanya at lumabas na ako ng gym at pumunta sa classroom. Napagalitan pa ako dahil late ako ng 15 minutes. As usual napahiya at dinakdakan ako ng teacher pero nag-sorry na lang ako. Kahit hirap ay nakinig ako at kahit papaano ay may natutunan naman ako. Lumipas ang ilang oras ay finally nag-dissmiss na. Puro computers lang naman yung tinuturo, masakit sa utak pero ditong strand ako napunta. Grade 12 na ako, ICT ang strand. Parehas kami ni Ricci, hindi nya gusto ang ICT. Or siguro ay tamad lang sya dahil minsan ay hindi talaga sya pumapasok at puro basketball sya. Bago pa sya mas lalong magalit sa akin ay mabilis akong pumunta sa gym. Naabutan ko silang nagte-training pa rin. Pumunta muna ako sa canteen at binilhan sya ng pagkain at ng tubig at bumalik agad sa gym. Nilapitan ko sya at binigay sa kanya yung tubig, na tinanggap nya naman. Ininom nya yon, napatingin sya sa pagkain na hawak ko kaya binigay ko agad sa kanya yon. Ngumiti ako sa kanya. "Tapos na kayo?" tanong ko sa kanya. Tumango lang sya. "Bakit di ka nagpaalam kanina?" tanong nya sa akin. Nakatingin sya ng deretso sa mga mata ko. "Makakaistorbo lang kasi ako kung magpapaalam ako." nagaalinlangan kong sabi. "Next time, magpaalam ka." malamig nitong sabi. Tumango ako. Kinuha nya na yung bag nya at lumakad palabas ng gym, sumabay ako sa kanya palabas. Nakita kong pawis na pawis ang likod nya kaya kinuha ko ang towel ko sa bag ko. "Ricci wait." pinatigil ko sya sa paglalakad, iritado nya akong tinignan. "What?!" iritado nyang sabi. Humarap ako sa likod nya at tinaas ang jersey uniform nya. Pinunasan ko ang likod nya pati na rin yung mga braso nya pati batok. Nilagay ko sa likod nya yung towel para masipsip ng towel yung pawis nya sa likod. "Okay na." ngumiti ako. Nakatingin lang sya sa akin pero iniwas nya rin agad yung tingin nya. Naglakad na ulit kami, sinamahan ko sya sa parking lot hanggang sa makasakay na sya. Kumaway na lang ako sa kanya kahit tinted yon at hindi makita. Nagdrive na sya paalis, at ako naman ay naglakad na palabas. Buti naman at hindi na umuulan. Nag-antay ako ng jeep kaso mukhang matatagalan pa. Dahil punuan ang mga jeep. Dumaan ang halos isang oras ay nagdesisyon na ako. "Nako anak, baka mahulog ka dyan." sabi ni Nanay na nasa loob ng jeep. "Chokey lang 'nay!" ngumiti ako kay Nanay. Sumabit na ako sa jeep, ayaw pa nga ni kuyang driver kaso nagpumilit ako kaya napapayag ko na sya. Makalipas ang 30 minutes ay nakauwi na rin, medyo traffic. 30 minutes rin ako akong nakasabit kaya ang ending medyo masakit ang braso ko. Tumambay muna ako sa 7-Eleven kahit hindi naman ako bibili. Papalamig lang naman ako. Nang may lumapit sa aking lalaki na may dala-dalang tray. "Uhm pwede pa-share ng table? Puno na kasi." nahihiya nitong sabi. Agad na tumango ako at ngumiti. "Sure, sure." nakangiti kong sabi. Alangan na hindi ko paupuin, costumer sya dito ako tambay lang. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko dahil pag pinanood ko syang kumain ay baka maglaway lang ako. Patago akong nagse-selpon at nakayuko nang magsalita sya. "Bakit hindi ka kumakain?" tanong nya. Kumagat sya sa big bite hotdog nya. Natigilan naman ako sa tanong nya. Pero sinagot ko rin agad. "Ah wala, tambay lang hehe. Papalamig." tumawa ako ng mahina. He just smiled. Ang ganda ng ngiti nya na mas lalong nagpapagwapo sa kanya. Tapos ang puti ng ngipin nya at ang kinis pa ng mukha na parang takot yung mga pimples na tumubo sa mukha nya. "Buy food Miss, my treat." sabi nito na ikinalaki ng mata ko. Kung akala nyong tatanggihan ko 'to, syempre hindi. "Talaga?" paninigurado ko. Tumango sya at tumawa. "Sabi mo yan ah." paninigurado ko. Tumayo ako at bumili rin ng Big Bite na hotdog tapos tubig tapos yung giniling na tig-29 pesos. Pumunta na ako sa counter at tinignan sya. Sumenyas lang sya sa cashier at okay na, bumalik ako sa table. "Thank you po, ano pangalan mo?" tanong ko sa kanya. "I'm Prix Uy." tila napaantig ang tenga ko sa apilido nya. "Uy? Are you related with Abigail Uy Rivero?" tanong ko. "Yeah, she's my aunt. Kapatid sya ni papa." sabi nya. "Edi kilala mo si Ricci Rivero?" pagtanong ko ulit. "Oh, he's my cousin. That jerk." he smirked. Hindi na ako nagtanong dahil parang galit sya kay Ricci na hindi ko malaman. Tahimik kaming kumain nang may humila sa akin patayo. Nagulat ako nang makita na si Ricci pala yung humila sa akin. "Ricci, anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ko sa kanya. Galit nya akong tinignan. "Bakit di ka pa umuuwi?" tanong nito sa akin. "Uhm nagpapalamig lang dito." simpleng sagot ko. Lumingon ang tingin nya kay Prix. Nakangisi si Prix. "What are you doing here my dear cousin?" tumayo na si Prix, nagkatitigan sila na parang may tensyon. "I thought you're busy fcking some other girls just like you did to my girlfriend." sabi nito habang nakangisi. Tila hindi ako makapaniwala sa sinabi nya. Tumingin ako ka kay Ricci na nakatingin sa akin. Hinawakan nya ang wrist ko at naglakad nang may humawak sa kabilang wrist ko. "Don't steal her from me, wag kang bastos. We are eating here then you showed up here like fck." ngumisi sya na hindi nagustuhan ni Ricci. "Fck you Prix, fck you." matigas na sabi ni Ricci. Hinila nya ang wrist ko at lumabas na ng convenience store, naka-agaw pa kami ng pansin kanina. Pinapasok nya ako sa kotse nya, ganon din sya. Tinignan nya ako ng malamig. "Bakit hindi ka pa umuuwi? Tapos kasama po yon, e hindi mo naman kilala yon! Ganyan ka ba kalandi, basta may itsura lalandiin mo!" malakas na sigaw nya sa akin na ikinagulat ko. Biglang nag-init ang sulok ng nga mata ko. Pinigilan ko ang luhang nagbabadya na tumulo. Hindi ko akalain na masasabi nya yon. Napayuko na lang ako at hindi nagsalita, naiiyak ako nakakainis. Hindi na sya nagsalita. Tumunog ang cellphone ko nang nakita ko ang text ni Papa. "U--Uuwi na a--ako." nauutal kong sabi sa kanya. Hindi ko sya tinignan, bago pa ako lumabas ay tumulo na ang isang butil ng luha na kanina pang nagbabadya na tumulo. Lumabas na ako ng kotse at dun na bumuhos lahat. Habang naglalakad ako pauwi ay patuloy na umiiyak pa rin ako. "Ano ba 'to, bat ba ako umiiyak." sabi ko sa sarili ko. Pinunasan ko yung luha ko gamit yung mga kamay ko. Wala naman akong towel dito. Nang makauwi ako sa bahay ay naabutan 'kong nagluluto si Papa. Si Lana naman ay naghihiwa ng mga ingredients. "Nandito ka na pala 'nak. Umiyak ka ba?" tanong ni Papa. Tumawa ako ng mahina. "May pinanood kasi akong movie 'pa, nakakaiyak." pagpapalusot ko, naniwala naman si Papa. Pumunta ako sa maliit kong kwarto. Binagsak ko ang katawa ko sa papag kong higaan na may kutson. "Ganyan ka ba kalandi." Kahit kailan hindi ko inasahan na may magsabi sa akin ng malandi, dahil hindi naman ako ganon. At sa kanya pa nanggaling ang salitang yon. Sa totoo lang, buong pagkatao mo masasaktan pag minahal mo si Ricci. Pero wala e, mahal ko. _ Hindi na muna ako nagpakita kay Ricci ngayong araw, hindi na rin ako pumunta sa gym nila. Baka mas lalo lang syang magalit sa akin, alam ko naman na tuwing makikita nya ako ay sirang-sira na yung araw nya. Nang mag-break na ay nag-stay na lang muna ako sa room, nagsulat lang ako sa likod ng notebook ko na mga gusto kong sabihin kay Ricci na hindi ko masabi sa kanya. Marami akong sinulat, nang magsawa na ako kakasulat ay sinarado ko na rin yung notebook ko. Nakatulala na lang ako sa pisara, wala naman na akong gagawin. Iniisip ko kung saan ako mag-aaral pagkatapos ng scholarship na 'to. Dahil pag nakatapos na ako sa High School ay tapos na ang scholarship ko dito sa La Salle. Wala na, finish na. Back to zero ulit, magtatrabaho siguro ako pag tapos. Ganon talaga pag walang pera, hindi naman kaya ni Papa na pag-aralin pa ako. 5 months na lang at tapos na, di ko na ulit makikita si Ricci. Tapos na ang break kaya nagsibalikan na ang mga kaklase ko. "Di ka nanaman nag-recess." may bumatok sa akin, napamura ako sa isip ko. "Ano ba Thea, bumabangis ka nanaman." sabi ko sa kanya na ikinatawa naming dalawa. Kumakalat kasi sa f*******: yung batang rapper. Kahit di naman ako masyado nagfe-f*******: ay alam ko pa rin ang nangyayari sa f*******:. "Princess Thea, mabangis." natatawa nyang pagkanta. Magkapangalan pa silang dalawa. "Maiba tayo, handsome Uy will be here!!" sabi nya at tumili na parang kinikilig. "Who's Uy?" na-curious kong tanong. "It's Prix Uy, cousin of Ricci Rivero. Grabe ang lahi ng Uy-Rivero. Ganda ng lahi, ang gu-gwapo!" Prix? Yung nanlibre sa akin. Nanahimik na lang ako at hindi na lang nagsalita, nararamdaman ko na yung gulo nilang dalawa. Alam kong galit sila sa isa't-isa. Wag sana umabot na magkasakitan silang dalawa dahil sa tingin ko pa lang ay mukha kaya na nilang magsuntukan na walang pwedeng makapipigil sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD