04

1346 Words
Hinatid ako ni Brent sa bahay. Pagkatapos ay umalis na rin sya. "Ate sino yon?" agad na tanong sa akin ni Lana. Umiling lang ako at di sya pinansin, wala ako sa mood ngayon. Pumasok ako sa kwarto at humiga agad. Ipinikit ko ang mata ko at sinubukang magpa-antok. Maraming gumugulo sa isip ko. Matutulog na sana ako dahil inaantok na rin ako nang mawala ang antok ko sa pagsigaw ni Lana. "Ate FREYAAAAA!!! May gwapo naghahanap sayo, aaAAaaaaAaHhhhh!!" narinig ko pang tumili sya. Biglang nairita yung tenga ko. Agad na bumangon ako at lumabas ng kwarto. "PUNYETA NAMAN LANA, ANG INGAY MO---Uy Ricci!" halos magulat ako kung sino yung nasa harapan ko na ngayon ay nakaupo na sa upuan namin. "Why did you leave me in school?" agad na tumayo at niyakap ako. "Don't do that again, akala ko kung ano ang nangyari sayo. Buti na lang sinabi sa akin ni Brent na hinatid ka na nya. Ako ang dapat maghahatid sayo okay? Wag mo na ulit ako pag-alalahanin." bakas sa boses nya ang pag-aalala na parang hindi sya nagpapanggap. "Sorry." pagso-sorry ko habang nakatitig sa mga mata nya. Ngumiti lang sya, ngiti na akala mo totoo pero hindi. Ang gwapo nya. "Kyah boyfriend ka ni Ate?" rinig 'kong tanong ni Lana. Ngumiti si Ricci sa kanya. "Hindi pa." ginulo nya ang buhok ni Lana. Hindi pa. "Excited na po ako maging kayo ni ate hihihi, kakawa po kasi sya. Di pa po sya nagkakaroon ng boyfriend." tumawa pa sya. Pinalo ko sya sa pwet dahilan ng pagkunot ng noo nya. "Aray ko!!" sigaw nya. Nakakunot ang noo nya at galit sa ginawa ko. "Hey babe, don't hurt your sister." saway sa akin ni Ricci. Tila naantig ang tenga ko sa tinawag nya sa akin. "Babe?" tanong ko sa kanya. Napakamot sya sa ulo nya. "Uhm endearment." nahihiya nyang sabi. Di ko alam pero kinilig ako ng bahagya. Nakakainis magpakilig to! "Gusto mo ba yon, itawag ko sayo babe?" nakangiti kong tanong sa kanya. "Paano pag sinabi kong oo?" bigla nyang hinapit yung bewang ko. Nakangiti lang sya, ganon din ako. "Ano ba yan!" rinig kong reklamo ni Lana at lumabas ng bahay. Di na namin sya pinansin. Hindi ko napigilang hawakan ang buhok nya at sinuklayan gamit ang nga daliri ko. "Bakit mo naman gustong maging tawagan natin yon?" tanong ko sa kanya habang pinaglalaruan yung buhok nya, nakatitig lang sya sa akin habang ini-enjoy ang paghahawi ko sa buhok nya. "Because you will be my girlfriend." sabi nya na ikinangiti ko. Bigla nya akong binuhat kaya naman ipinulupot ko ang mga binti ko sa bewang nya at yung mga braso ko ay ipinulupot ko batok nya. Napatawa ako dahil sa hindi ko inaasahang pagbuhat nya sa akin. "Pero kailangang ligawan mo muna ako." sabi ko sa kanya. Ngumiti sya. "Okay!" ninakawan nya ako ng halik sa pisngi na ikinagulat ko. "Hey!" gulat na sabi ko. Ngumiti lang sya. "You can kiss me too." binigyan nya ako ng mapanlarong-ngiti. Binigyan ko rin sya ng mapanlarong ngiti. Hinawakan ko ang ulo nya at dahan-dahan syang hinalikan sa noo. Napanguso sya dahil siguro akala nya ay hahalikan ko sya sa labi. I'm not gonna do that, i told myself that my first kiss will be my future husband. And i think that's not Ricci because in the first place, he don't like me nor love me. "Freya." narinig ko ang baritong boses ng Papa ko kaya naman agad na binaba ako ni Ricci. "Papa!" kinakabahan kong tawag sa kanya. Nakatingin lang si Papa kay Ricci, akala ko galit si Papa nang bigla itong ngumiti. "Hijo, ikaw ang boyfriend ng aking anak?" tanong ni Papa, masayang tanong ni Papa. Tinignan ko si Ricci at ngumiti ito. "Hindi pa po, liligawan ko pa po sya." magalang na sabi nya na ikinangiti ni Papa. "Aalagaan mo yang anak ko ah, wag mo sasaktan yan. Iyakin pa naman yan." pang-aasar sa akin ni Papa. Napangiti ako ng malungkot na nakita ni Ricci, nakita ko sa ekspresyon ng mukha nya na nagtaka sya. Agad na nginitian ko sya at nawala na rin naman sa kanya yung pagtataka. "Sige po, alis na po ako. Baka hinahanap na rin po ako sa bahay." sabi ni Ricci. "Sige, mag-iingat ka hijo." tanging ngiti lang ang sinagot ni Ricci kay Papa. Hinatid ko sya sa labas hanggang sa kotse nya nang magkahawak ang kamay namin, nakita kong napatingin pa sa amin kanina yung kapitbahay namin na hindi ko na lang pinansin. "Uuwi na ako, kita na lang tayo bukas." nginitian nya ako, ngumiti lang rin ako at nagwave. Nagdrive na sya paalis. Bumalik ako sa bahay at dumeretso sa kwarto ko. __ "Galing ako sa bahay nila kahapon, nakilala na ako ng tatay nya." kwento ko sa kanila. Tumawa lang sila, maski ako ay natawa na rin. Napaka-illusyonada nya, akala nya naman totoo lahat ng pinapakita ko sa kanya. I'm doing this for money 200,000 ang pusta ng teammates ko. Graduation gift din yon! Napakadali lang ng gagawin, kailangan maging girlfriend ko si Tana, at pag dumating na yung graduation. Hihiwalayan ko na sya, tapos. Easy. "Mamaya Ricci, magustuhan mo yan si Tana." pang-aasar ni Andrei, dinribol nya yung bola at shinoot sa ring. "Gago, di mangyayari yon! Alam nyo namang Eunice pa rin." seryoso kong sabi sa kanila. Matagal ko ng niiligawan si Eunice, tumigil ako sa panliligaw sa kanya dahil yun yung gusto nya. She wants to focus first on her study. Gusto nya sa college na lang, wag muna ngayon. Sino ba naman ako para hindi ibigay yon sa kanya. She's in STEM, matalino sya. Se also a dance varsity in our school, that's why i like her very much. Matagal na kaming hindi nagkikita dahil salungat ang sched namin. Pero okay lang yon, dahil sa college i'll make sure that she will be my girlfriend and hopefully last. "Sabagay, pero paano naman si Tana? Malamang sa malamang masasaktan yon." biglang sabi ni Aljun. Natawa ako ng bahagya. "Baka nakakalimutan nyo dare nyo lahat to sa akin, tsaka para sa 200,000 pesos na ibibigay nyo sa akin kaya ko ginagawa to. Easy money!" sigaw ko tsaka tumawa. "Pag nainlove ka kay Tana, hindi mo matatanggap yung 200K at kami ang bibigyan mo ng tig 10K." sabi ni Kib. "Deal, ako mananalo dito nga pre! At tsaka wala akong balak na mainlove kay Tana, kay Eunice lang ako." paninigurado ko sa kanila. Hindi naman kami mahirap, marami kaming businesses. Gusto ko lang patunayan sa kanila na kahit kailan hindi ako maiinlove don. Never. __ Bumalik ako sa canteen, at halos manghina na ang tuhod ko. Ricci texted me na magkita daw kami sa canteen kaya bumalik ako dito. Inantay ko sya nang makita ko sya, tumayo agad ako. Nginitian nya ako, pagkalapit nya sa akin ay agad na hinalikan nya ako sa noo. Napapikit ako dinamdam ang paghalik nya sa noo ko, tanda ng pagrespeto nya sa akin. Nang ihiwalay nya na ang mga labi nya sa noo ko ay umupo na kami. "You okay?" nag-aalala nyang tanong. Tumango ako at ngumiti. "What do you want to eat?" he asked. "Ikaw na lang bahala." sabi ko sa kanya. Kinuha ko ang pera ko sa bag at inabot sa kanya. Tinitigan nya lang yung pera ko and he laughed. "My treat Tana, pag magkasama tayo ako lagi ang magbabayad. Okay?" sabi nya na ikinailing ko. "Hindi mo responsibilidad yon Ricci, dapat ako ang magbabayad." sabi ko. He just smiles. "No, di pwede." makulit nyang sabi, iniwan nya ako dito at pumunta na sya sa counter para bumili ng pagkain. Wala na akong ginawa kundi itago yung pera. Bumili na sya ng pagkain naman, ramdam ko ang titig ng iba ngunit di ko na lang pinansin. Pinagmasdan ko si Ricci habang bumibili ng pagkain namin. Eunice is so lucky, i wish i can be her. Ricci will do everything for her, and it's fcking hurt. Tangina mo talaga Ricci, pa-fall kang hayop ka. Sarap mong halikan bwiset, mafo-fall ka rin sa akin. Pinapangako ko yan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD