Isinusuko Ko na ang Sarili Ko Sa 'Yo, Panginoon
Ang ating pag-ibig na nagsimula sa simbahan sa pagkakaibigan,
Ay magtatapos din pala sa simbahan sa hiwalayan.
Tayo'y naging magkaibigan ng di inaasahan,
Saugar kung saan pananampalataya'y ating pinanindigan.
Simbahan, ang nagpakilala sa 'kin kung sino ang Diyos,
Subalit di ko inaasahang makikilala rin kita ng lubos.
Bilang sakristan inakala ko na magiging matapat ako sa Diyos sa aking paglilingkod,
Subalit no'ng ika'y nakilala'y para akong tumalikod.
Ang iyong tinig sa pagsisilbi'y tila si Santa Cecilia,
Sa katapatan mo sa Diyos parang si Santa Maria.
Masaya tayo sa tuwing sa simbaha'y pumupunta;
Pumupunta upang maglingkod ng matapat at magkasama.
Subalit ang lahat ng ito'y tila nabura no'ng mas pinili natin ang isa't isa.
'Yong dating linggo-llinggo tayong nagsisimba na magkasama,
Ngayo'y unti-unti nating pinipili ang isa't isa.
Naging masaya tayo sa bawat oras at araw na tayo'y magkasama;
Magkasama sa galaan, kainan, o kahit pa sa inuman na parang katapatan natin sa Diyos ay ating tinalikuran.
Walang kamalay-malay, tayo'y unti-unting natukso ng ating pagmamahalan;
Pagmamahalan na naging ugat upang paglilingkod sa Diyos ay iwanan.
Hanggang sa... ika'y na aksidente dahil sa ating kalasingan;
Kalasingan na nagdulot sa isang bagay na di ko inaasahan.
Isang kamalian na nagdulot upang ika'y mag-agaw buhay sa himlayan,
Tanong sa sarili habang sa ospital ika'y binabantayan, "ikaw ba'y may pag-asa pang mabuhay, o susunduin ka na ni kamatayan? "
Gulong-gulo ang aking buhay, di ko maintindihan,
Para bang pinarurusahan ako ng Diyos dahil sa aming paglilingkod sa simbahan.
Siguro'y ang ibigin siya'y isang kamalian,
Kung kaya't kailangan ko ng bumalik sa piling ng simbahan.
Nahihiya, sobrang nahihiya ako sa Diyos,
Ngunit lakas ng loob akong nagpakumbaba't kumilos upang humiling at humingi ng tawad sa Diyos.
"Diyos ko, patawarin mo po ako! Pangako, ako'y babalik na sa 'yo. Huwag mo lang kunin ang mahal ko. Isinusuko ko na ang aking sarili sa Iyo. Kung kailangan ko mang siya'y hiwalayan ay gagawin ko, mabuhay lang siya'y ay magiging masaya na ako. "
Ang tangi kong dalangin na paulit-ulit kong hinihiling,
Na kahit alam kong parang imposible kung iisipin.
Mag-iisang taon na ang nakalipas nang aking napagdisisyunan na ako'y babalik na sa simbahan,
Hindi lang bilang isang tagapaglingkod, kundi isa ring tagapagbayad sa lahat ng aking nagawang kasalanan.
Hanggang sa dumating ang araw na aking isinuot ang sutana,
Hindi bilang sakristan kundi bilang isa sa mga pari ng parokya.
Sa kabila ng bawat misa,
Sa likod nito'y isang pusong humihiling sa sakit ng mga alaala na sana'y di na nangyari pa upang aking mahal ay di nag-aagaw buhay sa kama.
Patuloy pa rin akong umaasa na sana mahal ko'y gumaling na,
At kung mabubuhay man siya'y lubos kong ikasisiya hindi man ako ang lalaking sa kanya'y muling magpapaligaya.
Hanggang sa isang araw sa kasalan ako'y magmimisa,
Kung kaya ako'y gumising ng maaga't naghanada.
Habang hinihintay ang bride ay narinig ko ang isang kanta,
Kanta na nagpaalala no'ng mga panahong aking mahala ay kasama.
Sa di katagala'y dumating na ang ikakasal,
Kasabay ng kanta'y dahan-dahang pagtapak nila patungong altar.
Sa di inaasahan ay aking nakilala ang babaing ikakasal,
Siya pala ang babai na dati ko nang minahal.
Damdami'y di mapigilan no'ng homilya'y aking sinimulan,
Sakit at hapdi ang aking naramdaman, subali't mas pinili kong damdami'y pigilan.
At dumating na ang puntong parang ayaw ko ng pagmasdan,
Youay now kiss the bride kung saan luha ko'y di napigilan.
Tears of joy sabi ng ilan,
Subalit tears of pain ang di nila alam.
Hanngang ang kasala'y natapos,
Subalit ang sakit at kirot sa uso ko'y di pa rin nauubos.
Siguro dapat akong maging masaya dahilasaya na siya,
Nabuhay siyang muli sa ikalawang pagkakataon upang buuin muli ang sarili't maging maligaya sa lalaking kaloob ng Diyos para sa kaniya.
Kahit gaanoan kahirap ang pagsuko,
Ang importante masaya na ang mahal ko.
Patulog kong isusuko ang sarili ko sa 'Yo, Panginoon,
Basta patuloy mo ring pasayahin ang mahal ko, hindi man nais ko basta kaloob mo.
Ang ating pag-ibig na nagsimula sa simbahan,
Nagyo'y nagtatapos din sa simbahan.