KABANATA 1

1233 Words
Abala si Andrea sa kanyang trabaho nang biglang tumunog ang kayang telepono. Kaagad niya iyong sinagot sa pag-aakalang kliyente ang tumatawag. "Yes, hello?" tugon ni Andrea. "Andrea, it's me, Raymond." "Raymond? Bakit ka napatawag? Bakit landline ang gamit mo at hindi ang phone number mo?" "Low battery ang phone ko, kaya ako tumawag para sabihin na mamayang gabi na lang tayo magkita." "Okay, sige. May lakad ka ba?" tanong ni Andrea sa nobyo. "May meeting ako sa client ko mamaya. Tatawagan na lang kita ulit. Bye!" Agad na naputol ang kabilang linya. Napakibit balikat na lang si Andrea at itinuloy ang ginagawa. ****** "Is now or never, Raymond," nasa himig ni Amanda ang pagbanta. "Sweetheart, bigyan mo muna ako ng panahon. Kilala ko si Andrea, tiyak na maghi-histerikal iyon. Isa pa–" "Ayoko na! Kapag hindi mo pa ako pinakasalan, iiwan na kita. Tatanggapin ko na ang alok na modelling job sa akin sa abroad at ipapalaglag ko ang anak natin!" "Amanda!" bumukas ang pangamba sa mga mata ni Raymond. Mahal na mahal niya ang bagong nobya at ang mapalayo dito ang ayaw na ayaw niyang mangyari. Napangiti si Amanda. Alam niya na natakot si Raymond sa sinabi niya. Maarte itong humakbang palapit kay Raymond. "Ano, makikipag-break ka na nang tuluyan kay Andrea?" masuyo nitong iniyakap ang mga braso sa leeg ni Raymond. "And after that, aayusin na natin ang ating kasal?" malambing nitong hinalik-halikan pa sa pisngi ang lalaki mayamaya ay dinampian ng mga labi nito ang mga labi ni Raymond. "S–sige, bukas," tila kinakapos na hiningang wika ni Raymond. "Makikipag hiwalay na ako sa kanya." "Good! Now, maibubulong ko na sa magiging baby natin na pakakasalan na ako ng daddy niya." pagkawika niyon ay hinila ni Amanda pahiga sa kama ang nobyo at idinagan dito ang malambot at mabangong katawan. "At dahil nakahanda kang patunayan na ako ang mahal mo, nakahanda naman akong bigyan ka ng reward," pagkawika niyon ay muling lumapat ang mga labi nito sa mga labi ni Raymond. Until she slowly crawls down Raymond's neck, down to his stomach… Until it goes down there. Ang sumunod doon ay ang pagsasalo nila sa maiinit na sandali. Isang karanasang bumabaliw kay Raymond kaya nagawa nitong pagtaksilan ang unang nobya na si Andrea. Oh s**t! Mura na lang ni Raymond sa isip habang napapasunod ang katawan sa bawat galaw ni Amanda. ****** "It's your fault, Raymond. Pinagsasabihan na kita noon na huwag kang sumubo sa relasyon ninyo ni Amanda. Kahit hindi ko pa nakikilala si Andrea alam kong siya ang babaeng para sa iyo," anang Russell habang nagsasalin ng alak sa dalawang baso. "Bro, don't blame me, okay? It happened already and I love Amanda more than Andrea." Napailing na lang si Russell. Hindi niya alam kung paano malulusutan ng kaibigan ang problema na kinakaharap nito. "Bakit, dahil ba game si Amanda at si Andrea ay boring kasama dahil may pagka-conservative ito kagaya nang lagi mong idinadaing sa akin noon?" Napabuntong-hininga si Raymond. Alam niya na masasaktan si Andrea sa sasabihin niya. "Bro, minahal ko naman si Andrea. Kaya nga tumagal ang relasyon namin ng five years. Until I met Amanda. And the rest is history." "So, ano talaga ang gagawin mo ngayon?" Ilang saglit na natigilan si Raymond. "Kailangan ko nang mamili." "At si Amanda ang pipiliin mo?" "I have to. She's pregnant and she threatened me to destroy our child if I did not marry her." "Sa tingin mo, paano tatanggapin ni Andrea ang pakikipaghiwalay mo?" "I don't know. Malalim din ang babaeng iyon. Kahit limang taon na kaming magkarelasyon, hindi ako tuluyang nakapasok sa mundo niya. I know, marami pa rin siyang hang-ups sa relasyon namin. Hindi niya gustong makilala ko siya ng lubusan." "'Yan ang sinasabi ko sa iyo. Ano'ng gagawin mo kapag hindi siya pumayag na makipaghiwalay ka sa kanya?" "Ewan ko. Ayoko siyang saktan. Pero wala naman akong choice, eh." Napabuntong-hininga na lang si Russell. "Kung saka mo na lang kaya sabihin sa kanya?" "Bro, hindi puwede. Ipinapakuha ni Amanda ang engagement ring na ibinigay ko kay Andrea. Iyon daw ang katibayan na hinawalayan ko na siya." Lalong nainis si Russell kay Amanda, ngunit hindi naman iyon maipakita ng binata sa kaibigan. "Then, good luck na lang." "Pero may isang bagay sana akong hihilingin sa iyo," wika ni Raymond. "Ano iyon?" kunot noong tanong ni Russell. "Kahit anong mangyari, huwag mong pababayaan ang mag-ina ko." "Raymond, ano ka ba naman? Para ka namang mamamatay na kung makapagbilin." "Just promise me that." "Raymond–" "Mangako ka Russell." "Oo na! Pero puwede ba, huwag ka namang morbid magsalita?" Ngumiti si Raymond at nagpaalam na. Kinagabihan nagkita sina Andrea at Raymond sa isang restaurant. Madalas doon talaga sila magkikita at kumakain. "I'M SORRY, ANDREA," nakayukong wika ni Raymond. "N–nagbibiro ka lang, Raymond. Sabihin mong nagbibiro ka lang," katal ang tinig na wika ni Andrea habang alanganin ang ngiting nakasungaw sa mga labi. However, tears began to well up in her eyes. Yumuko si Raymond. "N–no, I'm not. Talagang gusto ko nang hingin ang kalayaan ko sa iyo. A–ang singsing na ibinigay ko sa iyo." "B–bakit, Raymond? Bakit biglang-bigla? May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan? May pagkukulang ba–" "Wala, Andrea. Ako ang nakagawa ng mali." "A-Ano ang ibig mong sabihin? Ayaw mong patawarin kita sa anomang kasalanang sinasabi mo?" "Andrea, hindi mo maiintindihan, eh. At baka hindi mo lang lalo magustuhan kapag—" "For God's sake, Raymond, will you please tell me?" "M-May iba na akong mahal. Si Amanda. I fell in love with her and she's pregnant. At kailangan ko siya pakasalan.” Mahina lang ang tinig nito ngunit tila iyon bombang sumabog sa kanyang pandinig. Ang sakit-sakit, to the point na parang gustong sumabong ng kanyang puso. Hindi niya namamalayang nagsisimula nang umagos ang mga luha sa kanyang mukha. "B–Bakit, Raymond? Bakit?" anang Andrea na tuloy-tuloy ang pag-agos ng mga luha sa mga mata. "I–I don't know. Basta nagising na lang ako isang araw na siya na ang mahal ko at—" "W-We've been together for five years." nasa himig na niya ang panunumbat. "M–marami na tayong binuong pangarap. M–may mga plano na tayo para sa kasal natin. M–malapit nang matapas ang bahay natin na–" "I-I know. Kaya nga hirap na hirap akong sabihin sa iyo na—" "A-And I reject all the guys na nagtatangkang lumapit sa akin." hanggang tumigas ang kanyang anyo at napalitan iyon ng galit. "Sinayang ko ang buhay ko sa paghihintay sa iyo." "A—Andrea, I'm really sorry and—" "Sorry? Maibabalik ba ng sorry mo ang sakit na nadarama ko at mga taon na sinayang ko?" pabulyaw niyang wika, wala siyang pakialam sa mga taong naroon sa restaurant na iyon at nakatingin na sa kanila. "Buntis siya at—" "You can go to hell!" pagkawika niyon ay hinubad ni Andrea ang singsing na bigay nito. "At tadaan mo ito, Raymond. Isinusumpa ko ang araw na nakilala kita, na minahal kita! Kailanman ay hindi ka liligaya sa kanya!" pagkawika niyon ay patakbong lumabas ng restaurant si Andrea. "Andrea!" mabilis na binayaran ni Raymond ang kinain nila at humabol ito sa dalaga. Pero tila wala itong narinig tuloy-tuloy lang ito sa paglalakad. Walang pakialam sa mga taong nakatingin sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD