KABANATA 2

1153 Words
"ANDREA, please, mag-usap tayo," samo ni Raymond nang maabutan siya sa parking lot. "No!" Nanlilisik ang mga matang baling niya rito. "Wala na akong pakialam sa ‘yo! Mamatay ka na sana!" saka siya nagmamadaling sumakay sa kotse niya. "Andrea!" mabilis na nakagilid sa kabilang pinto si Raymond at nakasakay sa passenger's seat sa tabi niya. "Get out!" bulyaw niya habang ini-start ang kotse. "Makinig ka naman, Andrea." "Wala nang dapat pang pakinggan. Maliwanag na sa akin. Hindi mo na ako kailangan. Pinagtaksilan mo ako!" pinaandar na niya ang sasakyan kahit ang mga mata ay pinanlalabuan na dahil sa pag-iyak. "Andrea, ihinto mo ito. Kahit gusto ko nang makipaghiwalay sa iyo, I still care for you!" pasigaw nitong wika ni Raymond. "Kaya nga nagtagal ang relasyon namin ni Amanda na hindi ko naipagtapat sa iyo, dahil ayokong saktan ka!" wika nito na pinipigilan siya. Lalong dumiin ang tapak ni Andrea sa silinyador. "Damn you!" padarag niyang kinabig sa kanan ang manibela upang iwasan ang truck na kasalubong nila. "At ano'ng ginagawa mo sa akin ngayon, kulang na lang ay pinatay mo ako. And you still have the guts na sabihin sa akin ang kataksilan mo!" lalong nanlabo sa luha ang mga mata niya. Pa-ekis-ekis na ang takbo nila sa kahabaan ng Roman High way at tila wala siyang pakialam sa mga nararaanang mababagal na sasakyan. Isang traffic inforcer na nakatayo sa tabi ng motorbike nito ang nakakita sa humahagibis na kotse. Mabilis itong pinaadar ang motor at sinundan ang sasakyan habang humuhuni ang sirena nito. "Please, Andrea, ihinto mo ang sasakyan. Mag-usap tayo nang maayos. Baka madisgrasya pa tayo nito, e. Look, hinahabol na tayo ng traffic inforcer," anito na napapahawak na sa hawakan ng kotse dahil sa bilis na takbo nito. "Mabuti pa nga nang sabay na tayong mamatay!" anang Andrea na lalong binilisan ang pagpapatakbo ng kotse. "Andrea!" "Takot kang mamatay, ha? Dahil hindi mo kasama ang babaeng minamahal mo. Damn you, Raymond, Damn you! And I hate you! Sinayang mo ang lahat ng mga pangarap natin. Sinayang mo ang pagtitiwala ko!" Lalong dumiin ang apak niya sa gasolina. Muli niyang kinabig pakanan ang manibela upang iwasan ang isang truck na nakaharang sa daraanan nila. "Jesus! Ihinto mo na ang sasakyan, Andrea!" tila nakalimutan na ni Raymond ang pagpapaliwanag sa kanya. Takot na ang nakabadha sa mukha ng lalaki. Hinawakan siya ni Raymond sa isang braso. "P–please, Andrea. Ihinto mo na ang kotse," nakikiusap na wika ni Raymond. "Ha! Takot kang mamatay, ano? Huwag kang mag-alala, kung iniisip mong magpapakamatay ako, nagkakamali ka. At lalong hindi ko dudungisan ang mga kamay ko sa–" "Andrea, may truck na pasalubong sa-" Ngunit hindi na natapos ni Raymond ang sasabihin. Malakas na banggaan ng malalaking bakal ang pumukaw sa bahaging iyon ng kalsada. Maingay ang paligid, ngunit ang higit na malinaw sa nanlalabong pandinig at diwa ni Andrea ay ang ugong ng ambulansiya o mobile car na palapit. "A—Andrea. . ." She was sure she knew the voice she heard so she tried to open her eyes. Sa nanlalabo niyang paningin, nababanaag niya si Raymond, nakahandusay sa lapag, duguan. At halos hindi makagalaw. "A—Andrea, I—I'm so sorry." She heard what it said but, could not understand why he had to apologize. Kasunod niyon ay nabanaag pa niya nang tuluyang malungayngay ang ulo nito kasabay nang pagpikit ng mga mata. Kasunod niyon, mga mata naman niya ang tila hinihilang papikit. Hanggang sa tuluyang kadiliman ang kanyang kamalayan. Nasa kakaibang lugar si Andrea, iyon ang pakiramdam niya. Nakadilat ang kanyang mga mata ngunit walang hanggang kadiliman ang kanyang nakikita. "R—Raymond, were are you?" kahit madilim nagpalinga-linga pa rin siya sa paligid. "R—Raymond?" Unti-unting lumaki ang liwanag, hanggang nagkaroon iyon ng hugis— hugis-tao. "Raymond!" saka lang niya nakilala ito. Puting-puti ang suot bagama't naglaho. "I'm, sorry, Andrea. Hindi ko sinasadya." saka ito unti-unting naglaho. "R–Raymond, huwag mo akong iwan!" ngunit nawala na ito na kasabay ng pagkalaho ng liwanag. "Huwag, Raymond! Huwag." "ANDREA! Please wake up!" Napamulat ang mga mata ni Andrea. Si Ley na kaibigan niya ang kanyang namulatan. "Ley? A-ano'ng nangyari?" "You're here in the hospital," tugon nito sa kanya. "Hospital?" Kasabay ng salitang iyon, tila negatibong na-rewind sa isip niya ang mga nangyari. "No!" ang akmang pagbangon niya ay hindi natuloy nang sumigid ang kirot sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan. "Andrea, calm down, okay? Hindi ka pa puwedeng magkikilos dahil marami kang sugat sa katawan. Isa pa'y may mga buto kang nabali sa katawan," paliwanag sa kanya ng kaibigan para kumalma siya. "H—ha?" "Isang linggo kang walang malay dito sa hospital." "S—si R—Raymond, kasama ko siya. A–ano'ng nangyari sa kanya?" sa wakas ay nagawa niyang itanong. Ilang saglit na hindi nakakibo si Ley. "L-LEY. . .? "H–he's dead." Tila bumingi kay Andrea ang narinig na balita. "Although naisugod pa dito sa ospital si Raymond, pero hindi rin siya nakaligtas. Siya ang mas nahagip ng nakabangga ninyong truck kaya malala ang mga tama niya. Ikaw ay may ilang butong nabali sa katawan pero maibabalik iyon ng plastic cast," mahabang paliwanag ni Ley. At sa narinig ni Andrea, isa-isang nagbalik sa kanyang alaala ang mga naganap bago ang aksidente. Ang pagtatapat ni Raymond na iiwan na siya dahil sa ibang babae na nabuntis nito, ang paghingi ng singsing na bigay nito sa kanya noon, at ang pagtakbo niya palabas ng restaurant at paghabol nito sa kanya hanggang sa parking lot ng restaurant. Hanggang sa pagsakay niya sa kotse at pinaandar agad ito pero maagap itong nakapasok sa kabila. Hanggang sa mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan at ang pagpigil sa kanya ng lalaki na bagalan ang takbo dahil baka madisgrasya sila. At ang pagbangga ng kotse niya sa sa kasalubong nilang truck. . . "N–no!" nagsimulang mangilid ang luha ni Andrea. "A–Andrea, calm down," napalapit ito sa kanya ang kaibigan at niyakap siya nito. "K—kasalanan ko ang pagkamatay niya. K–kung hindi ako–" "Andrea, ano ka ba naman? Aksidente iyon, walang may gustong mangyari iyon." "K–kung hindi ko pinatakbo nang mabilis ang kotse, hindi kami mababangga. K-kung hindi ko siya inaaway habang-" "Andrea, calm down, okay?" ginagap ni Ley ang kamay niya. "Kung talagang iniisip mong kasalanan mo ang nangyari, siguro ay mas makabubuting pumunta tayo sa burol niya. Hindi pa siya inililibing. Humingi ka ng tawad sa kanya. Sabihin mong bigyan ka niya ng katahimikan," wika ni Ley. "H–ha?" "Kaya mong gawin iyon, Andrea. Alang-alang sa ikatatahimik mo. At para makasiguro ka na pinatawad ka niya bulungan mo siya na bigyan ka ng sign kung pinapatawad ka niya." Hindi alam ni Andrea kung makakaya ba niyang makita si Raymond na nasa loob ng kabaong. Baka lalo lang niya sisihin ang sarili sa mga nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD