Sa mga narinig niya na sinabi ni Dane ay para nang nabunutan ito ng tinik. Ang kan'yang mga babies ay isa nang biyaya na 'di mapantayan nang kahit ano pa man. Gusto man ni Lenna kay Dane na ipaliwanag kung bakit niya gusto makilala ang mga sinabi ni Albie na kamag-anak ay alam niya siya ay tiyak mahihirapan. "Dane, huwag ka na sana pa magalit sa akin pero hindi mo pa ako kahit minsan lamang na pinakilala sa sino mang kamag-anak ninyo?" Tumingin siya kay Lenna na para ba itong iniwasan mapag- usapan pero ngumiti lamang ito, kan'yang tinuloy ang ginagawa. "Mama, dada sana gusto ko po na kayo ang maghatid sa akin sa eskuwela. Kasi tinutukso ako ng mga klasmeyt ko na 'di po raw ninyo ako anak kaya ako po ay bihira ninyong ihatid!" ani Altroy na nagtatampo. "Anak huwag mo na sana sila pang

