Unang Pagkikita
Nagmamadali si Lenna dahil siya ay magluluto pa ng kanilang pagkain. Medyo tinanghali na siya sa pag-uwi nang bigla siyang napaupo dahil tinamaan siya nang isang matigas na bagay, 'yon ay pinto ng isang sasakyan.
Bumaba ang isang lalaki, ito ay matangkad at may malinis, maayos na suot. Lumapit ito at tinulungan pa na siya ay makatayo.
"Sorry manang, nagmamadali po kasi ako." Sabay talikod nito at nagmamadali lumakad papalayo.
Tiningnan ni Lenna ang lalaki at habang pinapagpag nito ang damit galit na galit siyang nag-wika dito "Sayang ang guwapo mo pa naman, bastos nga lang!" saka dinampot ang mga timba na nabitiwan niya.
Ewan niya pero para niyang napansin na lumingon pa sa kan'ya ang lalaking sinabihan. Sa isip-isip niya "Narinig kaya ako?" umuwi na siya kaagad at nagkibit balikat na lang sa nangyayari.
Kinagabihan 'di pa rin maalis sa isipan ang lalaking dahilan kung bakit siya napaupo sa may semento, tinawag pa siya nito na manang, kaya 'di niya ito matanggap.
Pumunta siya sa harap ng salamin at tiningnan muli ang sarili. Maghapon na nasa isip ang lalaki dahil ito ay guwapo.
Matangkad ito, mukhang mayaman at mabango dahil nang siya ay tinulungan nito na makatayo, naamoy niya ang pabango na gamit.
"Sayang!" ang sabi niya at siya ay bigla napabuntong hininga.
"Ano nga ba ang sayang, ang 'di ba niya nakilala na lalaki o 'yong hindi niya pag-sampal dito?" bulong na sabi sa sarili ni Lenna.
Tiningnan muli niya ang sarili at sinabi "Maganda rin naman ako ah! kaya nga lang dahil siguro sa pagod at kulang sa tulog ay nag-mukha na akong matanda na." Dagdag pa nito.
Sa totoo lang panlaban siya ng school nila noon sa mga beauty contest, maganda raw siya at seksi hindi siksik, ha!
Siya si Melenna Ramirez Sandoval, Lenna for short. Isang estudyante, 20 yrs old, nasa 3rd year na sa kolehiyo at siya ay kumukuha ng B. S. Psychology.
May kapatid siyang lalaki, si Albie nasa 1st year college at ito ay kumukuha naman ng kursong Architecture. Mana sa kan'ya kaya guwapo rin ang kapatid niya, ano ang say ninyo?
Mahirap lang sila pero may masaya at tahimik na buhay at 'yon ay dahil sa mayroon silang mababait na mga magulang at ito ay mga responsable at mapagmahal.
Nagtitinda sa palengke ang aming magulang. Sa may Navotas sila umaangkat ng kanilang mga panindang isda tuwing madaling araw.
Ito rin ang aming kinabubuhay at sa umaga ay tumutulong kami na magkapatid sa aming mga magulang bago kami ay pumasok sa eskuwelahan.
Wala sa aming hinagap na bigla mababago ang mga kapalaran sa isang iglap. Nang isang araw ang aming mga magulang ay biglang naaksidente at parehong namatay.
Nakakapanlumo at halos panawan ako ng ulirat. 'Di ako makakain at buong lamay iyak lang ako ng iyak, , hindi ko na malaman ang aking gagawin.
Ang may-ari ng truck na nakabangga sa sasakyan nila tatay ang siyang sumagot sa hospital at siya ring tumulong sa amin para ang aming mga magulang ay malibing nang maayos.
Ang driver naman ng truck ay nasa hospital din at kailangan na putulin ang kaliwa nitong binti. Hindi na ako naghabla dahil 'yon palang ay parang parusa na sa kan'ya .
Malaki rin ang pasasalamat ko sa mga kapitbahay at sa taga barangay na nag-ambag para sa araw-araw namin na gastusin ni Albie.
Ilang araw pa ang lumipas at wala pa ring dereksiyon ang aking pag-iisip, kung ano ang aming gagawin para lamang maipagpatuloy ang nasimulan ng aming magulang.
Kailangan kong kumita dahil ako ay nangako sa harap ng puntod ng aming magulang na pipilitin kong mag-tapos si Albie at pagkatapos niya ng kolehiyo ay saka ko naman itutuloy ang aking pag-aaral.
Pinasya ko na ipagpatuloy muli ang pagtitinda ng isda. Sa may Farmers Market na lang ako hahango ng isda sa madaling araw.
Medyo mahal doon pero mas malapit dahil sira na ang amin jeep at malaki rin naman magagastos kapag pinagawa pa.
Tinulungan naman ako ng aking kapatid sa mga bagong desisyon na nilahad ko sa kan'ya.
Sumasama siya sa akin sa madaling araw para mamili ng isda na ititinda at uuwi lang siya 'pag papasok na lamang sa eskuwela bandang tanghali.
Lumipas ang mga araw at buwan, mga dalawang taon na rin buhat ng nangyari 'yon. Nasanay na rin ako sa pagiging nanay at tatay sa bahay.
Sumasagi pa sa aking isipan ang mga nangyari sa aming magulang pero lagi ko ring naiisip na kailangan kong magpakatatag at maging matapang para kay Albie at sa akin.
Nang gabing na 'yon ay akin nang nakatulugan ang pag-iyak. Hindi ko alam kung bakit pero parang may lungkot na naman ako sa puso na aking naramdaman.
Isang araw may tumawag sa akin, hindi ko pa nakikita kung sino pero tinanggap ko na kaagad ang tawag.
"Hello, si Lenna ito," ang sagot ng dalaga.
Bigla natawa nang malakas ang kausap niya at saka sinabing "Best friend si Mina ito at nandito na ako ngayon sa Pilipinas. Kumusta ka na? Magkita sana tayo sa Wed. alas 2:00 ng hapon sa dati na lang nating school puwede ba? Doon na lamang sana tayo magchikahan. Sige na at nagmamadali na ako baka maiwan na ako ng aking mga sundo," sabi ni Mina.
"Oo ako ay maghihintay, ang pasalubong ko 'wag mong kalilimutan," bilin ni Lenna sa kan'ya saka nag babye.
Si Mina ang best friend niya na hindi nakalimot kahit na sila ay matagal na hindi nagkita. High school sila ng unang nagkakilala nito.
Naalala pa nga niya nang siya ay natagusan at ang silya niya ay nasa harap ni Mina kaya nito napansin kaagad ang tagos sa palda pagtayo ni Lenna.
'Di niya alam ang gagawin, tamang-tama blue ang palda nitong uniform nila kaya nga kinuha ni Mina ang blue pentel niya at sinulat niya ito matakpan lang ang tagos ng dugo sa likod ng palda ni Lenna.
Nagpasalamat si Lenna sa kan'ya at doon nagsimula ang araw na nagkalapit silang dalawa.
Hanggang sila ay nasa college na ay magkasama pa rin ang dalawa. Pareho pa ang kurso na kinuha nila 'di nga lamang siya naka-graduate dahil nga sa nangyari sa mga magulang niya.
Pag-graduate ni Mina ay na-assign ang tatay niya sa may main branch nang pinapasukang kumpanya sa US kaya pati sila ng nanay niya sinama roon ng ama nito.
Kasing edad niya si Mina at sila ay pareho pang walang boyfriend noon. 'Di nga lang niya alam kung meron na ito sa ngayon.
Maganda rin naman kasi si Mina kaya hindi na siya magtataka. 'Di pa kasi sila noon na nag-uusap dahil wala pa siyang phone.
Nang nakabili siya ng phone ay kan'ya na itong tinanong sa mga kakilala at sa kanilang mga kamag-anak kung alam nila kung saan tatawagan sila Mina. Nang malaman niya ay tinawagan niya ito at lagi na silang nag-uusap.
Tuwang-tuwa si Lenna nang kan'yang malaman na nandito na pala sa Pilipinas ang kaibigan at ito ay kaagad na niyang naikuwento kay Albie, sa kan'yang nag-iisang guwapong kapatid.
Maaga itong nakarating sa dati nilang school. Naisipan niyang dumaan muna kay Dean Ramos ng Psychology dept.
"Good morning, nandiyan po ba si Dean Ramos?" ang tanong ni Lenna sa sekretarya nito.
"May bisita kasi siya, 'yong nag-iisa niyang pamangkin na guwapo." Anito kay Lenna.
Kilala na kasi siya nang sekretarya dahil noong siya ay pumapasok pa sa school ay lagi itong tinatawag ni dean 'pag may kailangan ito na ipagawa sa kan'ya.
Pina-upo muna siya ng sekretarya ni dean sa sofa na para sa mga bisita.
Mga 20 minutos na siyang naghintay at nang lumabas ang pamangkin ni Dean Ramos ay pareho pa silang nagulat.
Kasi siya 'yong lalaki na nagbukas bigla ng kotse, na naging dahilan para si Lenna ay tamaan nitong pinto ng sasakyan at siya ay mapaupo sa may semento.
Kumatok muna siya bago pumasok sa kuwarto ni Dean Ramos. Niyakap niya ito at hinalikan sa pisngi. Saka sila ay nag-kumustahan sa isa't-isa.
Natuwa itong nalaman na kinakaya niya ang lahat ng mga pagbabago sa buhay ng dalaga at sa huli isa lang ang bilin ni Dean Ramos dito.
"Magpakatatag ka at lumaban, dahil malayo pa ang dulo." Sabi pa nito kay Lenna.
'Di nagtagal at nagpaalam na rin si Lenna sa dean para siya ay umalis na.
Paglabas nang opisina ni Lenna ay naningkit ang mga mata nang makita niya na parang inabangan siya ng pamangkin ni Dean Ramos.
Napangiwi siya pero kuwidaw, wish niya kanina na sana hintayin siya nito at nang makilala niya. Wish granted dahil palapit ito at medyo kabado si Lenna kahit na ito ay gustong-gusto niya.
"Hello, puwede ba kitang makilala, magandang binibini? Ako si Dane William Garcia 26yrs. Old at wala akong girlfriend o asawa. Ako ay mayroong sariling maliit na negosyo at may kaunti nang ipon kaya puwedeng puwede na akong mag-asawa," ang sabi nito na nakangiti at walang kagatol-gatol.
"Sorry nga pala sa pagtawag ko sa 'yo ng manang, ang laki kasi ng damit na suot mo no'n kaya 'yon ang una ko na napansin," dagdag pa ni Dane na nakangiti. Labas ang maganda at mapuputing mga ngipin.
Ewan ba parang may kung ano ang naramdaman ni Lenna, na parang siya na ang kan'yang the one.
Pero paano naman ang mga pangako niya sa magulang. Tinitigan siya nito pero 'di pa rin siya umiimik.
"Bakit ko ba kaagad na iniisip na siya na ang aking the one eh.. nagpakilala lang naman 'yong tao," sabi ni Lenna sa isip.
Tinitigan niya muli ang lalaki tapos ang kan'yang sarili. Bagay ba sila? Parang hindi na parang oo.
"Teka kun'wari galit ako sa kan'ya, ah oo gano'n nga.." Aniko sa sarili na kinikilig.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Sumunod naman siya nang makarinig ako ng boses buhat sa aking likod.
"Melenna Sandoval, Lenna for short. NBSB 20 yrs old pero sa ngayon taken ko na siya," sabay tawa ni Mina sa akin.