Si Dane Mina at Ako

1877 Words
Niyakap ko ang best friend ko, dahil namiss namin ang isa't-isa nang sobra. Naiiyak pa nga ako pero nadidistract ako ni Dane. "Magkaibigan kayo? pareho kayong maganda sana lang ay maging kaibigan ko rin kayo." "So Lenna, be my friends?" giit ni Dane sa 'kin. "Ewan, siguro puwede, siguro hindi," sagot kong nakangiti. "Sige na naman, please!" sabay tingin na parang siya ay kawawangkawawa. Umakto siyang kakamayan ako pero nagulat ako dahil sa ginawa niya mula braso ko pina-slide ang kamay niya na papunta sa kamay ko kaya kinilabutan ako, para bang may mga nagsayawang kulisap sa aking lamang loob. "Diyos ko kay bilis naman ng taong ito. Ang pang-aakit niya sobra, para bang ako ay bigla nabato balani!" sa isip-isip ko. 'Di ko alam kung nakita ni bessy Mina ang ginawa ni Dane pero kung nakita niya ang mukha kong parang nilagyan nang kolorete sa pula, baka nga na tuksuhin niya ako. Tinitigan ko si Dane, Kaakit- akit ang mga mata niya para niya akong inaakit pilit ko pinipigilan ang aking sarili. "Gusto mong maging kaibigan ang babaeng ito, so ilibre mo muna kami," sabi ni Mina. "Sure 'yon lang pala eh, so where do you want to eat?" anas ni Dane na nagyabang sa amin. "Masyado kang mahangin halika na nga, Min!" naiirita kong sagot. Sa tabi ng school coffee shop na kami pumunta nakasunod lang siya nang tahimik. Nakikiramdam siguro kung galit ako. Pagkapasok namin sa loob ay hinila niya ang silya para ako ay paupuin at gan'on din ang ginawa niya kay Mina. "In fairness ha, gentleman!" ang bulong ni Mina sa akin. Wala akong masabi sa kilig na pinapakita niya sa akin. Maya-maya ay tinanong niya ako kung ano raw gusto naming kainin. "Chichen Sandwich na lang at saka Pineapple juice!" sabi kong kun'wari ay galit at naiinis. "Gan'on na lang din ako, may dinner date rin kasi kami mamayang gabi," ang sabi ni Mina. Habang kami ay naghihintay ng aming inorder ay panay naman ang chikahan naming dalawa ni Mina. Alam kong ako ay tinitingnan nang gan'on na lamang ni Dane pero hindi ako nagpahalata. Biglang nagtanong si Mina kay Dane. "So crush mo ang kaibigan ko, medyo mahihirapan ka bata ko." Ani Mina rito na parang matatawa. "Bakit naman?" tanong ni Dane kay Mina. "May pangako kasing binitawan ang friend ko sa puntod ng mga magulang niya. Patatapusin muna ang kapatid. Kapag ito ay naka graduate na, saka naman siya mag-aral at hindi kailanman magboboyfriend hanggang hindi pa siya nakakatapos." "Medyo matagal pa pala ang aking paghihintay pero okay lang basta 'di siya tatanggap ng ibang manliligaw kun'di ako lang!" nakangiti nitong sagot kay Mina. "What? grabe ka naman hindi pa kita boyfriend pero napakapossesive mo na!" sagot ni Lenna na walang kagatol-gatol sa binata. Natawa si Dane at sinabi nito na "Talagang gan'on para lamang bahay bakuran mo kaagad ng 'di maagaw sa iyo." Tawa nang tawa si Mina nang mga sandaling 'yon. Dahil parang sigurado na ang lalaki sa kan'yang nararamdaman kay Lenna. "Wala kang kawala niyan friend mukhang na love at first sight sa 'yo ang lalaking ito!" 'Di na ko nagsalita tahimik lamang kaming kumakain pero ako ay pasulyap-sulyap pa rin kay Dane. Matangkad siya siguro mga 5'9-6 ft, medyo may pagka sporty type, at ang mga muscles parang matitigas. Medyo malapad na balikat na bumagay naman sa kan'yang mukha. Masasabi kong tunay na maganda ang kan'yang katawan dahil ang iba ay makikita mo kaagad ang naka-usli nitong malaking tiyan pero si Dane ay wala. Alam ko nang pinagmamasdan din niya ako kaya naman binaling ko na lamang ang tingin sa aking kinakain. Sinabi ni Mina na magkikita pa kaming muli bago siya bumalik ng states at bago kami maghiwalay ay mayroon kaunting bilin ang bessy ko. "Day medyo ingat ka, kasi baka 'di ka makasakay sa lalaking 'yan. Parang ayaw ka na niyang pakawalan at kung maari siguro itali ka na sa kama niya. Baka ihanay ka lang sa marami niyang mga babae kaya dapat alerto, girl!" nakangiti si Mina na binulong sa akin. Nagkibit-balikat lang ako pero alam kong tama si Mina, kaya naman ilang buntong-hininga ang aking pinakawalan. Hinintay muna namin na makasakay si Mina ng grab dahil may pupuntahan pa raw ito, bago ako niyaya ni Dane sa kan'yang kotse. Ayaw ko sana pero ito ay nagpumilit kaya wala na akong nagawa. Tinitingnan ko ang loob ng sasakyan niya, wala akong gaanong alam sa mga kotse pero mukhang mamahalin din ang isang ito. Mabango at malinis ang sasakyan mukhang bagong bili. Maganda ang seat cover abuhin na may halong itim. Maya-maya ako ay napatingin sa kan'ya. Kamukha pala niya ang idol ko, at ito ay si Chris Hemsworth, tiyak marami ang mga babaeng humahabol sa kan'ya pero ano naman ang nagustuhan ba nito sa akin, tanong ko sa aking sarili? "Pasensiya ka na, at baka ikaw ay parang nabibilisan sa akin. Ako ang taong naniniwala na dapat hanggang ikaw ay may buhay gawin mo ang 'yong gusto at ipaglaban, kasi hindi tayo nakakasiguro kung bukas ay may buhay pa tayo." Sa narinig ako ay bigla nang bumuntung-hininga, may punto rin siya roon. Dumaan muna kami sa isang drive thru at umorder. Niyaya niya ako sa ibang kainan pero tumanggi ako. Pag-uwi ng bahay akala ko uuwi na rin siya pero humakbang siya patungo kusina at naglabas ng mga plato, baso, kutsara at tinidor. "Parang kan'ya ang bahay namin kung umasta ah, anong peg nito?" tanong sa sarili habang tinitingnan ang bawat galaw ng binata. Dumating si Albie at pinakilala ko sila sa isa't-isa. Madali naman silang nagkapalagayang loob kaya habang kami kumakain ay siningit niya rito ang paghingi nito nang permiso na ako ay maligawan. "Albie, hihingin ko sana ang permiso mo para ligawan si Lenna, 'di ka ba magagalit sa akin?" nakangiti si Dane habang kan'yang hinihintay ang desisyon ng aking kapatid. "Okay lang sa akin kung okay lang din sa ate ko. Basta 'wag mo siyang lolokohin at paiiyakin kung hindi ako ang makakalaban mo!" sabi ng kapatid ko habang inaantay ang sagot ko. Parang biglang nagbara ang aking kinakain kaya ako ay tumakbo kaagad sa may lababo para makainom ng tubig. Sinundan pala niya ako at hinihimas ang likod ko. Nanlaki ang aking mga mata sa ginawa niya para akong nilukuban nang mga sampung demonyo. "Hanep talaga ang lalaking ito, siya nga ang magiging sanhi nang maaga kong pagkamatay," wika kong pabulong sa sarili. Pagkatapos kumain nag-usap pa sila ni Albie sa sala habang ako naman ay umiinom ng kape. Panay naman ang kanilang tawanan na para silang may binabalak. At nang gabi na 'yon 'di na naman ako makatulog at pabaling-baling sa higaan. Iniisip ko kung ano ba ang aking dapat gawin kung ito ay totoong manliligaw nga sa akin? Baka hindi ko mapigilan ang aking sarili dahil sandali ko pa lang siya nakilala pero parang kay lapit na namin sa isa't-isa. "Masama ito, paano ko nga bang pipigilan ang aking sariling 'di main-love sa lalaking 'yon?" tanong ni Luisa sa sarili na nahihirapan. Madaling araw, paalis na kami sana ni bunso para mamili ng isda na aming ititinda sa palengke. Nang sa pagbukas ko ng pinto ang aking nabungaran ay ang nakangiting mukha ni Dane. "Sasama raw siya sa atin!" sabi ni Albie sa akin. Ngayon ko lang napansin si Dane na nakasuot pala nang ordinaryong damit at mukhang hiniram niya ito kay Albie pati sinelas nitong luma. Kahit gano'n ang suot nito ay mukha pa rin siyang modelo. Nakalagay pa sa mga bulsa ng pantalon na maong ang kan'yang mga kamay na para talagang rarampa. Humiram din siya ng lumang jeep ng sa ganoon hindi raw kami mahirapan. Nang tapos na kaming mamili, akala ko uuwi na si Dane pero pilit na sumama pa rin siya sa amin para samahan kami magtinda sa palengke. Agaw pansin ang kan'yang kakisigan, parang biglang may naligaw na artista, kinuyog kaagad siya ng mga kapwa ko tindera at tinanong sa akin kung saang lupalop ko raw nakita ang papable na 'yon. Dati-dati si Albie lamang ang kanilang pinanggigigilan, ngayon nag-iba ihip ng hangin at na kay Dane na ang lahat ng mga mata nila. Tapos bigla pang itinaas noong isa ang kan'yang suot na t-shirt at mainit daw, kaya naman hayun mga babae na karengkeng mga leeg ay mga nagsisihabaan kasisilip sa mga pandesal ni Dane. Inis na inis ako halos lumuwa ang mga mata ng mga katabi kong tindera sa binata. "Tama na nga yan Dane ibaba mo na 'yang kamiseta mo at baka ikaw ay matuklaw nang mga ahas sa paligid!" ang pairap kong sabi kay Dane. Tatawa-tawa lang iyong isa sa sinabi ko. "Hindi ka pa ba papasok sa opisina 8am na, baka kailangan ka roon." Sabi ni Lenna. "Gusto mo na ba akong umalis?" ang tanong ni Dane kay Lenna. Gusto ko sana siyang umalis na dahil nag-aalala ako sa kumpanya niya. Pero siya raw ang CEO at kahit kailan naman niya gusto na pumasok ay puwede. Wala naman daw akong dapat pag-aalala dahil ang mga naiwan niyang namahala ng opisina ay kan'ya namang pinagkatiwalaan nang lubos. Sa hapon na lang daw siya babawi dahil half day lang naman ako dito sa palengke. Hindi naman ako nag-papahatid sa kan'ya sa opisina kung saan ako ay nagpapart-time, kaya free siya sa hapon. "Ikaw kasi ayaw mo pang sa akin na lamang mag-trabaho. Triple ang sasahurin mo!"ani Dane "Ano naman ang trabaho ko aber?" ani Lenna na nameywang pa habang nagtatanong. "My dearest wife!" wala nitong kagatol-gatol na sagot sa akin. "Ano sinabi mo? paki-ulit nga at nang mahampas kita nang timba!" sabay kurot ko nang pino sa kan'yang tagiliran. "Aray naman love ko! kawawa naman ako baka mapunit ang abs ko niyan. Sige ka wala ka nang masarap na mahihimas pa!" ang pag-mayabang pa nito sa dalaga. Napatingin ito sa kan'ya. 'Di ko mawari pero bakit napakalandi talaga ng lalaking ito parang hindi mayaman kung siya ay magsalita at kumilos. "Anong love, nek-nek mo. 'Di pa naman kita sinasagot may pa love-love ka pang nalalaman diyan," saad ni Lenna na nakasimangot ang mukha habang ito ay masungit na umirap. "Gusto ko sana kasama ka palagi, kung maari lang sa inyo na ako tumira," ang sabi ng binata sabay kindat sa akin. Kinikilig ako pero hindi ako nagpahalata dahil nandoon si bunso. Nag-daan ang mga linggo, si Dane ay walang palya pa rin sa pag-sama nito sa amin. Masyado na siyang napalapit sa puso ko. Baka bumigay na ang pader na ginawa niya kaya kinausap ito na tigilan na ang pagsama sa kanila ni Albie. Sa bandang huli pumayag din siya basta raw isasama namin ang driver niya nang sa gan'on lagi raw siyang nakakasiguro na ligtas kami. Hindi na siya nakita ni Lenna pero panay naman ang kan'yang padala ng mga bulaklak sa driver niya kung minsan may kasama pang pagkain at mga love letter. Lumipas ang mga araw, parang namiss ni Lenna si Dane. Nahalata yata ni Albie ang kan'yang pananamlay. Hindi alam ng dalaga na tinawagan pala ni Albie si Dane.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD