Parang kailan lamang nang si Lenna ay nanganak at ngayon ay mag-iisang taon na ang tatlong anak niya. Tahimik pa rin ang buhay niya at magulo lamang ito ng dahil sa apat na chikiting niya lalo na kapag nag-away pa ang mga ito. Kung minsan pati si Altroy ay nakikihalo sa away ng tatlo na batang kapatid dahil ang mga laruan ni Altroy ay kanila pang kinukuha sa kuwarto ng kuya nila. Si Dane naman ay palaging gabi na dumarating at kung minsan ay hindi pa umuuwi kaya si Lenna ay naiinis rito madalas. "Mahal 'wag ka na sana sa akin magtampo dahil para rin naman ito sa mga anak natin!" ang sabi niya na humihingi nang unawa buhat kay Lenna. "Kailangan mo rin nang pahinga at hindi ka na rin bumabata pa!" turan niyang galit rito sa asawa. "May tinatapos lamang ako at 'pag ito ay naging tagumpa

