Nang gabing 'yon tumawag muli si Albie. Nagkuwento ako sa kan'ya nang muli namin na pagkikita ni Dane . "Saan kamo kayo nagkita ng walanghiya na lalaking 'yon?" "Sa may ospital, hindi nga niya ako nakilala," sagot ko kay Albie. "Anong ginagawa niya doon?" "Hindi ko rin alam." Saad ko sa aking kapatid. "Puwede ba ate, huwag ka nang lumapit sa lalaking 'yon 'pag nakita mong muli!" "Pipilitin ko, kapatid." Bantulot kong wika kay Albie. "Huwag mong pilitin, gawin mo!" sigaw niyang sabi kay Lenna. Alam ko nang galit siya dahil nararamdaman niyang gusto kong malaman kung bakit at ano ang nangyari sa amin na dalawa. "Bunso, may sasabihin sana ako sa 'yo. Pakinggan mo ako nang mabuti!" Lahat nang aking nalaman ay aking sinabi kay Albie. Mula sa aksidente ni Dane, maging

