Kahapon pa sana gusto ni Lenna na magpaalam kay Dane pero 'di niya magawa dahil alam niya na hindi siya papayagan nito. Ayaw naman niya na hindi ituloy ang pangako niya kay Mina dahil ito lamang ang kan'yang matagal na bestie. Hawak niya ang phone na kabubukas lamang at sunod sunod ang mga message at tawag na natanggap niya at lahat ng 'yon ay galing kay Dane. Tumawag siya kay Dane dahil matagal pa naman ang oras nang biyahe niya. Sinagot naman ito kaagad ng binata. "Nasaan ka?" tanong nito na sa tonong galit. "Nasa airport ako ngayon at paalis papunta sa Amerika!" "Airport! Aalis ka nang 'di man lamang nagpaalam sa akin? Nag-alala ako sa 'yo, alam mo ba 'yon, hindi ka sumasagot sa mga tawag ko!" "Sorry kasi 'di ko alam kung paano sasabihin sa 'yo ang bagay na ito baka hindi mo ka

