Nagtatakbo si Lenna sa banyo na kasunod si Dane. Ito ay Nag-alala kaya sinabi niya kay Albie tumawag ng doktor pero pinigilan ito ni Mina. "Hindi ba siya ay kaibigan mo, Bakit mo ba ako pinipigilan para tumawag ng doktor?" tanong ni Albie na balisa sa nakita na kalagayan ng ate niya. "Albie, walang sakit ang ate mo kaya lamang hindi ako puwede na magsabi nito. Hayaan mo siya ang magsabi kay Dane nang totoo," Napatingin sa kan'ya si Albie at parang nahulaan na niya ang ibig sabihin ni Mina. Siya ay biglang natawa sa sarili at napakamot sa ulo. "Hayst, hayaan ko na nga lang si ate tutal kaya na niya si Kuya Dane!" Tatalikod na sana siya nang si Dane ay bumalik na kasama si Lenna na parang maputla na. Si Albie ay natigilan at para itong naawa sa ate niya. "Albie tumawag ka ba ng doktor

