Tumunog ang cell phone muli ni Lenna kaya kinuha niya ito sa bulsa ng pantalon niya. Sa isip niya ay si Albie ang tumatawag kaya ito ay kan'yang sinagot kaagad. "Hello, kuya! Ano na ang lagay ni Ate Lenna?" tanong nito na parang kinakabahan. "Albie, huwag ka mabibigla pero 'di naging maganda ang kalagayan ng ate mo!" "Ano ang ibig mong sabihin, kuya Dane?" Bigla natulala si Dane hindi niya alam kung dapat sabihin kay Albie ang lahat. Tahimik bago nagsalita na muli. "Naroon ang mga doktor sa kuwarto niya at pinipilit nila itong buhayin!" bigla pumatak na ang mga luha niya tapos niya na sabihin ito. "Kuya, uuwi ako ngayon din at 'wag kang gagawa nang kahit ano kay ate hanggang ako ay wala pa!" At binaba na ni Albie ang kan'yang telepono, panay naman ang landas ng mga luha sa pisngi ni

