Nang hapon na 'yon nagising na si Lenna at nang idilat niya ang mga mata ay para pa siyang nagulat pero kaagad naman niya na napagtantong siya ay nasa ospital kaya nakahinga na siya nang maluwag. Pinatawag ni Dane kaagad ang doktor na tumitingin kay Lenna na kaagad naman ito na dumating. Si Lenna ay kan'ya namang sinuri na mabuti. "Kaunti pa hong pahinga at siya ay babalik na rin sa dati. Ang mga sugat niya ay iwasan na lamang sana ninyo na ito ay mabasa." "Opo doktor susundin ko po lahat ang mga payo ninyo sa akin," ani Dane sa doktor na napatingin sa kan'ya. Kinausap pa sandali ng doktor si Lenna para sigurado siyang wala na itong naramdaman at saka na ito umalis. Tahimik ito at hindi nagsalita o nagtanong sa doktor. Para siyang isang komputer na ang lahat ay kan'yang pinoproseso.

