Nakahawak ang isang kamay ko sa baywang niya at ang isang kamay ay nakaalalay sa ulo niya, nang dumilat ang kan'yang mga mata. "Kaya ko na, pasensiya ka na sa akin. Imbes ako ang siyang mag-aalaga sa 'yo, ako pa ang 'yong alagain!" akay-akay ko siya nang mahigpit at baka siya ay matumbang muli. Hindi nga ako nagkamali dahil maya maya lamang ay parang tutumba siyang muli kaya ako ay napahawak sa kuwelyo ni Dane. Pareho kaming natumba dahil sa laki ni Dane. Nasa ilalim ako kaya pilit ko siya tinatayo. "Dane gising, hindi kita kaya tulungan mo ako!" saad ko na nagsusumamo. Nang oras na 'yon ay papunta ng parking si Dr. Lim, narinig niya ang sinabi ng isang babae na tulungan kaya siya napatakbo kaagad at nakita niya si Lenna na hirap na hirap na tinatayo si Dane. Sa mata ni Dr. Lim ay ib

